25: Roselyn's life

814 68 2
                                    

Kabanata 24: Ang buhay ni Roselyn

Naka-upo sa opisina ni Roselyn si Jacob ngayon at napabuntong ng hininga. Siya ang best friend and sekretarya nito bago pa siya nagsimulang magtayo ng kumpanya.

Gusto ni Roselyn na tulungan si Enrique sa kanyang sariling kumpanya kaya siya nagpatayo ng sarili niya. Kaso laging pinipigilan ni Jacob na gamitin ni Roselyn ang ototridad na meron siya para matulungan si Enrique.

Sinabi nito na kailangan muna ni Enrique'ng patunayan na mahal niya si Roselyn bago niya ito dapat tulungan. Una sa lahat, walang ibang ginawa si Enrique kung hindi ang makipagkita sa kapatid ni Roselyn na si Hana.

Magkasintahan si Hana at Enrique noon pa man. Nagkaroon silang dalawa ng arrange marriage bago pa sila ipinanganak. Pero sa hindi inaaasahang pangyayari, nung araw ng kasal ni Enrique at Hana, naaksidente si Hana. Hindi pwedeng baliin ang kasunduan kaya ang naikasal ay si Roselyn at si Enrique.

Ang akala ni Enrique ay si Roselyn ang may kagagawan ng lahat. Alam nitong may pagtingin si Roselyn sa kanya kaya gumawa kaagad ng konklusyon si Enrique na plinano ni Roselyn ang lahat kaya sila ang ikinasal.

Ang hindi alam ni Enrique, ayaw talaga ni Hana ang makasal sa kanya dahil sa pagiging selfish nito. Maraming lalaki si Hana at kung matatali siya kay Enrique, hindi na niya mako-contact ang mga ito.

Isa pa sa naging resulta ng ka-selfish-an ni Hana ay ang pagkasunog ng balat ni Roselyn sa mukha. Noong bata pa lang sila, naiinggit si Hana sa mukha ni Roselyn dahil masyado itong maganda. Kaya sinunog niya ito ng hindi alam ng magulang niya.

Sinabi ni Roselyn ang totoo pero pinagalitan lang siya ng kanilang magulang at sinabing hindi iyon magagawa ni Hana. Kesyo perpekto daw si Hana, mabait daw si Hana, matalino daw si Hana, hindi daw magagawa iyon ni Hana dahil ni hindi nga makabasag pinggan ang kapatid niya. Sinabihan pa siya ng mga magulang na naiinggit lang siya sa kapatid kaya niya sinunog ang mukha niya para mapagalitan si Hana.

Pero ang totoo? Isang demonyo na nagtatago sa anyong anghel si Hana. Lahat ng pinaghirapan ni Roselyn, si Hana ang nakinabang.

Kung hindi pa gumawa ng paraan si Jacob nung Elementary, Junior and Senior High School, at Collage para makuha ni Roselyn ang dapat sa kanya, hindi sana makaka-graduate si Roselyn.

Kahit anong pilit na lumaban si Roselyn sa paaralan ay wala siyang magawa. Una sa lahat, malakas ang ototridad ni Hana sa kanilang school dahil pagmamay-ari ito ng kanilang pamilya.

Walang nakaka-alam na magkapatid ang dalawa kaya ang laging nasusunod ay si Hana. Pero dahil sa isang malaking share holder ang pamilya ni Jacob sa school nila, nakuha ni Roselyn ang kanyang pinaghirapan. Pero ang problema ay kaunti lang ang nakaka-alam.

Sa mata ng lahat, si Hana ang naging Valedictorian at highest honor mula elementarya hanggang high school. Pero ang marka na ito ay ang marka ni Roselyn. Na kay Roselyn ang medalya, ang record ng mataas na grado, at diploma pati ang record sa eskwelahan pero sa harap ng marami, si Hana ang nakakamit nito.

Natanggap ni Roselyn ang limang diploma sa Collage sa murang edad at naging Suma Cumlaude pero hanggang record lang din. Ganoon pa man, masaya si Roselyn sa natamong achievement.

Malaki ang naging ambag ni Roselyn sa kanilang mundo. Ilan na dito ang kanyang mga imbensyon pero lagi siyang nagiging underrated at iilan lang ang nakaka-alam.

Matalino at maparaan si Roselyn higit pa sa binibigay na kredito sa kanya. Pero simula nung makasal siya kay Enrique, naging mas mahirap ang lahat para sa kanya.

Huli na ng malaman niya ang ginawa ni Enrique sa kanya. Malakas ang ebedensya na pinagtangkaan niyang patayin si Roselyn. Pero nakulong lamang ito ng dalawang araw at isang gabi sa kulungan at nakalaya rin.

Isang taon na ang nakalipas simula nung aksidenteng nangyari at isang taon na ring walang malay si Roselyn. Pinanatili niyang maayos ang kumpanya ni Roselyn hanggang sa bumalik ito.

Naghihintay siya sa best friend niya at po-protektahan niya ang pinaghirapan nito.

Isa ang ospital sa pagmamay-ari ni Jacob dahil noon pa man ay gusto niya ng maging doktor. At ang private wings kung nasaan si Roselyn ay protektado at hindi niya hahayaang may mangyaring masama pa ulit sa best friend niya. Magkamatayan muna.

--*--

Isang taon ang nakalipas simula ng muntikan niyang mapatay si Roselyn. Malinis ang paligid, pero tahimik at patay ang mga ilaw maliban sa isang lamp shade na nasa sala.

Napatawa si Enrique ng mahina habang ang mga luha niya at panay ang pagpatak. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi at sa malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya.

Bakit ba huli na ng makita niya kung gaano siya kaswerteng magkaroon ng isang babaeng tulad ni Roselyn? Mapangit man ang itsura nito dahil sa maitim na peklat sa kanyang mukha pero ito ang pinakamaalaga at mabait na taong nakilala niya.

Huli na ng malaman niya ang lahat. Ang dahilan ng kasal, ang pagtraydor sa kanya ni Hana. Ang pagiging playgirl at slut nito na kung kani-kanino nakikipagtalik.

Nandidiri tuloy siya sa sarili niya na ginalaw niya ang babaeng tulad ni Hana. Nalaman niya ang lahat ng napag-isipan niyang pumasok sa kanyang opisina isang buwan pagkatapos niyang makulong.

Narinig niya ang bulungan tungkol kay Roselyn at kung paano nito sinalba ang kanyang kumpanya sa pagkakalugi dahil sa walang kwenta nilang CEO. Sinabi pa ng mga empleyado niya na kung sa tingin niya tatakbo ng mag-isa ang kumpanya niya kahit wala siya.

Tama sila, iyon nga ang iniisip niya. Siya ang boss kaya hindi niya na kailangang magtrabaho at hahayaan na lang ang kanyang kumpanya na gumawa ng pera para sa kanya. Pero nagkamali siya.

Nakita niya ang report sa desk niya sa kanyang opisina na muntik ng ma-bankcrupt ang kanyang kumpanya kung hindi lang gumawa ng paraan si Roselyn. Masyado kasi siyang busy kay Hana.

Doon nagsimula ang interest ni Enrique kay Roselyn at nagsimulang mag-imbestiga.

--*--

Ybrehl

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon