52: Rumour

312 29 4
                                    

Kabanata 52: Usap-usapan

Kakatapos lamang ng kasal ni Oesley at Roselyn sa Templo ng kanilang Diyos. Parehong masaya ang dalawa at nagkaroon ng simpleng seremonyas.

Nag-iba sila ang venue pagkatapos na magbigay ng mga paumanhing sulat ang kanilang mga inimbita sa mas maliit na venue. Pero makikita mo na pinaghirapan talaga ito. Ang  sampung taong nagpahayag ng pagpunta sa kanilang kasal ay nagsasaya sa simpleng handaan. At ang bilang ng dumalo ay mas mababa pa sa Dalawampu (20)

Kabilang na dito ang apat na taong may hawak ng titulong Conde (count), Isang tau-tauhang Rehente (Regent) na siyang kapatid ng Hari. At tatlong taong may hawak ng titulong Baron at dalawang Visconde (viscount). Kung tutuusin, lahat ng kasama sa pinakamamabang ranggo. Dahil sa iisang dahilan. Hindi kasi sila kurakot at may malasakit sila sa kanilang nasasakupan.

Lima lamang ang may kasamang asawa. At walang halos kasing edad ng mag-asawa. Gayun pa man, hindi nila ito alintana at hindi nakaramdam ng galit. Bagkus at natuwa pa sila.

Pagkatapos ng kasiyahan, kinuha ni Roselyn ang atensyon ng lahat.

"Paumanhin kung nagambala ko ang inyong kasiyahan. Narito ako para sabihing gusto kong bilhin ang inyong katapatan," walang prenong sabi ni Roselyn. Nagulat naman ang lahat dahil hayagang sinabi ni Roselyn na tatraydorin niya ang Hari.

Hindi naman sa hindi nila ito gusto, pero ang usapang tulad nito ay isang "unspoken topic" sa kanilang lugar.

"Makinig muna kayo sa aking sasabihin. Alam ko ang dahilan kung bakit mas pinili niyong pumunta sa aming kasal kaysa ang dumalo sa seremonyas ng aking Kapatid sa pag-aanunsyo ng kanilang nalalapit na kasal ng Prinsepeng tagapagmana ng trono. Ang gusto ko lamang ay makuha ang inyong katapatan kapalit ng karangyaan at proteksyon sa inyong nasasakupan," Ipinaliwanag ni Roselyn ang kanyang plano at inanunsyo na siya ang may-ari ng Luxury.

Karamihan sa kanila ay nagulat at ang limang kabanaihang nasa loob ay naging interesado agad. Inihain ni Roselyn ang mga bagay na gusto nila. Para sa kanilang pamilya at para na rin sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito ay nakuha kaagad ni Roselyn and loob ng lahat. Sinabi niyang lalagda sila sa isang Magic Seal na nass porma ng kontrata upang mapigilan ang pagkalat ng impormasyon sa anumang paraan. Sumang-ayon naman ang lahat dahil mas magiging madali ang lahat.

Ibinigay ni Roselyn ang isa sa pinakamataas na prebilehiyong matatanggap ng isang Babae sa Luxury. Yun ay ang kakayahang maka-access ng produktong hindi pa nailalabas sa merkado. Sila ang limang babaeng maaaring unang makabili ng palabas pa lamang na produkto. Pupuntahan sila ng mga naghahatid ng kanilang produkto at iaalok ang mga ito kung bibilhin nila o hindi kada buwan.

Natuwa sila sa pribilehiyong ito dahil napakahaba lagi ng pila para makabili lamang ng lima pababa na produkto. Isa pa sa pwedeng nilang magawa ay ang magkaroon ng mas mataas na limitasyon sa pagbili ng produkto. Silang lima ay nabigyan ng 10 produkto kada bili kung sila ay pipila. At nagkaroon sila ng apat na porsiyentong diskwento sa pinakamahal nilang produkto.

Sa mga kalalakihan naman, nakuha nila ang isang 1% ng kita ng Luxury bilang regalo at ibibigay ito sa kanila kada buwan. Maliban dito, nagkaroon din sila ng prebelehiyong mag-invest para sa darating na negosyo ng dalawa.

Lahat sila ay natuwa at nagbigay ng pangako ng katapatan sa ilalim ng oath seal. Habang ng Rehenteng kapatid ng hari ay napangisi na lamang habang iniisip ang sasapitin ng malupit niyang kapatid sa kamay ng kanyang anak na binalewala at pinahirapan niya simula pagkabata.

--*--

Nagkagulo ang lahat at ang iba ay nagdesisyong pumunta na lamang sa venue ng kasal ni Oesley at Roselyn para makakain. Hindi kasi sila nakakain sa seremonyas dahil na rin sa nangyari. Noong dumating sila sa venue ay wala doong tao kung hindi sila. Lumabas ang nagma-manage ng lugar at sunabing kinansela ng dalawa ang venue dahil sa maliit na bilang lamang ang nagsabing dadalo sila sa seremonyas ng kasal.

Pinaliwanag din nila na nag-usap ang bagong kasal noon na nakahinga sila ng maluwag dahil makakatipid sila pagbabayad ng mga kailangan nilang bayaran.

Nahati kaagad ang opinyon ng masa. Ang kalahati ay nagalit dahil hindi man lang daw kinunsidera ng Ikalawang Prinsepe na baka biglang magbago ang kanilang isip. Dahil na rin sa gutom ay naglabas sila ng hinanakit sa ikalawang prinsepe lalo na't hindi nila pwedeng sisihin ang Prinsepeng tagapagmana ng trono.

Mayroon din namang nainitindihan ang Ikalawang Prinsepe lalo na't tradisyon nila nag masabi kung dadalo o hindi. Hindi ka maaaring pumunta sa isang kasiyahan at pagdiriwang kung ikaw mismo ang nagsabing hindi ka dadalo o hindi ka naimbitahan. Wala ring nagawa ang karamihan at umuwi na lamang.

--*--

Kinabukasan ay naging usap-usapan ang nangyari samantalang wala silang kaalam-alam sa nangyari sa kasiyahan sa Kasal ni Oesley at Roselyn. Hindi nila alam kung may dumalo ba o wala. Dahil tahimik ang mga taong nakadalo dito. Hindi sila nag-usap sa nangyari bagkus ay nakaramdam lang ng saya na pinili nilang pumunta sa Pagdiriwang ng Ikalawang Prinsepe kaysa ang pumunta sa Seremonyas ng anunsyo.

Isa rin sa naging usapan ay ang teyoryang nasumpa ang Prinsepe at Prinsesang Tagapagmana ng Trono. Na si Roselyn mismo ang nagpakalat.

Habang kumakalat ang usapang ito, ang dalawa naman ay nagbigay pugay sa Hari ng Findo. At humingi ng permisyong pumunta sa bulubundukin ng Solidong patag.

Nagulat ang Hari pero itinanong nito ang Prinsepe kung bakit gusto niyang ipagdiwang ang unang dalawang linggo ng kanyang kasal sa lugar. Pero nakangiti na ito na tila narinig ang isang napakagandang balita.

Mabilis na sumagot si Oesley st pinahayag na wala siyang balak makipagkumpetensya sa trono at nais lamang na maging masaya sa piling ng kanyang bagong asawa.

Tumaas ang satispaksyon ng hari at mabilis itong pinayagan. Kaya mabilis ding umalis ang dalawa dahil mayroon lamang silang maikling oras para magawa ang kanilang plano.

Mabilis din itong pinakalat sa Kapital na ang Ikalawang Prinsepe at ang bago nitong prinsesa ay nagdesisyong ipagdiwang ang kanilanh unang dalawang linggo bilang mag-asawa sa Bulubundukin ng Solidong Patag.

--*--

Hi 🙂

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon