13: Second Mission

1.4K 59 4
                                    

Kabanata 13: Pangalawang misyon

Lumabas na kaagad ang system information para sa susunod na mundo. Mabilis naman itong binasa ni Roselyn.

Current body's status:
Extremely Healthy
Plot State: Neutral

Plot: Ang pangalan ng Host ay Roselyn Xyrell Doctolero. Isang mabait na may-ari ng isa sa pinakakilalang restaurant sa kanilang lugar. Nang nakilala niya ang target, ginusto niyang magbago ito at maging open sa mga tao sa paligid niya.

Mission: Gawing open sa kanyang nararamdaman ang target.

Target Information:
Name: Arvie Jim Azuña
Age: 20
Birth date: October 8, ****
Job: Pianist, Head Chef

Minsan lang siya kung magsalita. Kadalasang gamit niya sa pakikipagkumunikasyon ay ang mga gadgets na meron siya. Mahilig siyang tumugtog ng piano na siyang nakakapagpalabas ng totoo niyang nararamdaman. Kaya niyang isakripisyo ang lahat mapasaya lang ang minamahal niya

Skills granted: Culinary Skills

Reward: will be announce after the mission complete

Punishment: Pain of torture until death

Nagtaka naman si Roselyn dahil naka-focus lang ang main mission sa target.

"Wala bang para sa host?" Tanong ni Roselyn. Ngumiti lang ang system saka umiling.

Wala ng nagawa si Roselyn at hinayaan na ang sariling pumasok sa panibagong mundo. Nagtaka siyang muli ng makita na ang apilyedo ng target at Azuña rin katulad ng kay Jeyshaun pero hindi na siya nagtanong pa.

--*--

Nagising siya sa sikat ng araw na tumama sa kanyang mukha. Bumangon naman siya at nakita ang magandang paligid. Nakahiga siya sa isang malambot na kamang kulay Grey. Napaka-simple lang ng kwarto niya pero halatang mamahalin ang mga gamit at malawak ang paligid.

Masasabi niyang mayaman ngayon ang kanyang host. Ilang sandali pa, lahat ng alaala ng kanyang host ay bigla na lang pumasok sa kanyang isipan.

Hindi na siya nag-abala pang magulat at tumuloy sa bathroom para gawin ang daily routine ng host. Ang kaso lang, hindi na siya nag-abala pang mag-make up na kadalasan niyang ginagawa.

Nagpulbo, lipstick at pabango lang siya bago tuluyang bumaba. Pagbaba niya, nakita niya ang magulang ng host na talgang malapit sa kanya, humalik siya dito ng nakangiti bago siya umupo sa dining.

Araw-araw ay hindi pinalalagpas ng magulang niya ang breakfast ng magkakasama. Ito lang kasi ang oras na pwede nilang ilaan sa isa't isa.

"Sweetie, hows your day yesterday?" Nakangiting saad ng kanyang ina.

"Prinomote ko po yung sinasabi kong genius chef. Sabi ko po sa inyo eh, may potensyal siya," autistic si Arvie na kanyang target. Inabando siya ng magulang niya sa kalsada.

At ang pamilya ni Roselyn ang kumupkop sa kanya at nagbigay ng trabaho. Medyo mahirap nga lang sa part ni Arvie pero isa siyang genius pagdating sa pagluluto at pagtugtog ng piano.

May sarili ng apartment si Arvie ngayon pero malaki pa rin ang utang na loob niya sa magulang ni Roselyn kaya pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho.

Rules Of RebirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon