Chapter 02

2K 39 0
                                    


Sei PoV

"Kyst! Namiss kita." Sinalubong ko ng yakap si Kyst nang marinig ko ang pagbusina niya ng kotse sa labas. Ganito ako lagi eh kapag umuuwi siya ng bahay.

5 days siyang nawala mula nung birthday ko at hindi manlang nagpaalam sakin. Kahit itanong ko pa alam ko naman kung saan siya nagpunta.

"Let go of me woman. Pagod ako." Malamig na pagkakasabi niya bago tanggalin ang pagkakayakap ko.

Palihim akong nasaktan sa ginagawa niya pero pinilit ko parin ang hindi maiyak. Tumikhim ako at nagpilit ng ngiti.

"San kaba kasi nagpunta Kyst? Hindi ka manlang nagpaalam sakin. Nag alala ako sayo."

"At sino ka para gawin ko yon? Bakit pa ako magpapaalam sayo? Nanay ba kita?"

"I-im your girlfriend Kyst."

"No you're not. You're just living in your fantasy.."

"K-kyst..."

"You're not my girlfriend Sei and it will never be. Alam naman nating dalawa ang rason kung bakit tayo nagsasama diba? We live together but it doesn't mean we have such something... Si Kelly ang girlfriend ko siguro aware ka naman don diba?"

Ang sakit marinig sa kaniya ang mga salitang yon. Sinasampal niya sakin na si Kelly lang ang mahal niya. Alam ko naman yon eh pero sana iniisip niya ang mararamdaman ko kapag sinabi niya yon.

Akmang lalampasan na sana niya ako nang hawakan ko siya sa braso para pigilan.

"H-hindi... Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin Kyst?" Pigil ang iyak na tanong ko bago siya harapin.

Binawi niya ang kamay niya "What kind of question is that?"

"Sa 6 years na pagsasama natin hindi ka manlang ba nagkagusto sakin kahit kaunti lang? H-hindi mo ba ako sinubukang mahalin?"

Sandali niya akong tinitigan bago siya mapaklang natawa "Just wake up from your fantasy Sei! Ikaw lang din ang nananakit sa sarili mo dahil masiyado kang umaasa na magkakagusto din ako sayo. You're not my type. Hindi kita kayang mahalin at hindi kita kayang gustohin. Maliwanag na ba?"

Tumulo na ang luha ko "B-bakit... Bakit Kyst? Hindi pa ba sapat ang pinapakita kong pagmamahal sayo? Sabihin mo lang please dahil gagawan ko ng paraan."

"Ganon ka nalang ba kadesperada sakin? You're just like other girls out there na nagkakandarapan sakin.... Do not give yourself a false hope Sei. Kahit ano pa ang gawin mo hinding-hindi kita magugustohan. Look, prangkahan na Sei.. Si Kelly ang tipo kong babae hindi ang gaya mo. Kaya pirmahan mo na ang mga papers para makuha ko na ang mana ko at para matapos na ang lahat."

"A-ano ba ang gusto mo?"

"Just sign those papers and leave. Umalis kana sa buhay ko at wag kanang magpakita dahil pabigat ka sakin. It would be my happiness kapag tuluyan kanang mawala sa buhay ko."

"K-kyst... Hindi ko kaya."

"Don't be too selfish Sei! Kung mahal mo talaga ako mas pipiliin mo ang kaligayahan ko kaysa sa kaligayahan mo. Kaligayahan ko ang mawala ka sa buhay ko kaya umalis kana pakiusap lang. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ko kapag nakakasama kita. Pabigat ka sakin at wala kanang ginawang tama! Nasasakal na ako sayo Sei."

"K-kyst..."

"If I were you mag move on ka nalang and find someone better na kayang tapatan yang pagmamahal mo."

Hindi ko inexpect ang sinabi niya kaya natigilan ako. Hindi ko akalain na sasabihin niyang maghanap ako ng iba at iwan siya.

Mula nung nakita ko siya hinangad ko na mapasakin ang puso niya kaya hindi na ako tumingin sa iba.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" Seryosong tanong ko.

"What?"

"Gusto mo ba talagang kalimutan ko ang nararamdaman ko sayo?"

Sandali niya akong tinitigan bago sumagot "Y-yeah of course. Go ahead, I d-don't care."

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon