CHAPTER 14

1.1K 28 0
                                    

Sei POV

"Oh why are you still here? I thought pinalayas kana niya?" Dinig kong sabi ni Kelly sa likuran ko.

Hinarap ko siya "Ayoko ng gulo."

Tumaas lang ang kilay nito at napatingin sa braso ko "Pity Sei... Mukhang hindi siya concern sayo unlike me dinala niya ako sa hospital."

Huminga ako ng malalim "Baka sa susunod ako na ang magdala sayo sa hospital."

"W-what?"

Ngumisi ako ng nakakaloko "Sa tingin mo ba papatawarin ka niya kapag sumingaw na ang baho mo?... Balita ko sa club ka parin daw nagtatrabaho..."

Kita ko ang gulat sa mukha niya at hindi makakaligtas sakin ang takot.

"H-how the hell...." Utal niyang sambit.

"Maliban sa apat na boyfriend mo, gabi-gabi kang may ka'table at tini'take out ng kung sino-sino. Sa tangin mo ano nalang ang sasabihin sayo ni Kyst?"

"How dare you---"

"Nililihim ko ang bagay na yon hindi dahil sa kinukunsente kita, kundi dahil nakikita kong masaya sayo si Kyst. Pero mukhang nagkamali yata ako."

Pinilit niyang ngumiti ng nakakainsulto "You think na papaniwalaan ka ni Kyst? Kahit ano pa ang sabihin mo sa kaniya sakin parin siya maniniwala. So much better shut up your mouth."

"Yeah, I think so.. Pero mas masakit kung siya mismo ang makakatuklas nun... Yun ang dahilan kaya nananahimik ako."

"What are you doing there?"

Dinig kong sabi ni Kyst at kasabay naman nun ang pagdaing ni Kelly. Napatingin ako sa kaniya at kita kong nasa sahig na siya ngayon.

"Darling... H-help..."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Na naman?

Ramdam ko ang marahas na pagtulak sakin ni Kyst bago tulungang makatayo si Kelly. Nasasaktan ako dahil nakikita kong nagpapakatanga ang lalaking mahal ko.

B-bakit hindi nalang ako Kyst?

"Nababaliw kana ba?! Bakit mo ginawa to?!" Sigaw niya sakin.

"W-wala akong---"

"That bitch hurt me darling... N-nagsorry lang naman ako for what happened last time but bigla niya akong sinampal. Its just like she want to kill me. I-im scared."

Tiningnan agad ako ng masama ni Kyst at kita ko ang pagpipigil niya na saktan ako.

Bumaling siya kay Kelly "Umuwi ka muna. May gagawin lang ako."

Bago niya ihatid palabas si Kelly, binigyan muna ako ng ngisi ng babae niya. Natatakot ako sa susunod na mangyayari.

Pagkahatid, kita kong galit na lumalapit si Kyst sakin at hindi maipinta ang itsura niya. Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at hinila papasok ng bahay.

"Buyset! Akala ko ba malinaw na ang lahat! ..akala ko ba hindi mo na gagawin yon! Bakit sinaktan mo na naman siya?!" Galit na sabi niya.

"M-makinig ka muna---"

"AMININ MO NGA SAKIN.. KAYA BA AYAW MOKONG PAKAWALAN DAHIL SA MANA KO? HIHINTAYIN MONG MAMATAY AKO PARA MAPUNTA SAYO LAHAT NG YON!!"

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya "M-mali ka---"

"ANO PERA LANG BA ANG HABOL MO SAKIN KAYA NAGTITIIS KA NG GANITO?.. MUKHA KA NAMAN PALANG PERA EH!.. MAGKANO BA ANG GUSTO MO IBIBIGAY KO PARA LANG MAWALA KANA SA BUHAY KO!..."

Kita kong kinuha niya ang wallet sa bulsa niya at naglabas ng maraming pera at....

*PAKK!!!

Bigla akong sumalampak sa sahig at kasunod nun ang pagsakit ng kaliwang pisngi ko. Para akong nabingi...

Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na tumingin sa kaniya.

"K-kyst..."

"SAPAT NA BA YAN?.. KULANG PA? ... JUST F*CKING SAY IT GOLD DIGGER ONE!!"

Hindi pa man ako nakakapagsalita nang bigla niya akong hilain patayo at kinaladkad papuntang bodega. Isang madilim at nakakatakot na bodega..

"K-kyst palabasin moko please! Magpapaliwanag ako!!" Naiiyak na sigaw ko nang bigla niyang ilock ang pinto.

"That is what you get."

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon