Chapter 50 |• THE FINALE

1.4K 38 6
                                    

Sei POV

Sa loob ng 15 years maraming nangyari sa buhay ko. Kasama na diyan ang kasiyahan at kalungkutan. Maraming nawala pero marami ding dumating...

"Mommyyyy.!!" Dinig kong tawag sakin ng anak ko. She's Kysein, my lovely and adorable daughter. Isinunod ko ang pangalan niya saming tatlo.

"Hey wifey..." Tawag din sakin ng asawa ko, si Recca. Nakasunod siya sa anak namin na may matatamis na ngiti. Ito ang gusto kong senaryo araw-araw.

"How was your day my little angel? Mukhang nagpa'spoiled ka nanaman sa daddy mo ah." Nakangiting sabi ko at binuhat ang anak ko. Kita ko pa sa gilid ng labi niya ang nagkalat na chocolate.

Lumapad ang ngiti niya "Daddy had this new recipe. He baked me a delicious chocolate cake. Here oh for you mommy."

Kinuha ko ang dala niya at hinalikan siya sa pisngi at kasunod nun ang pagclick ng camera. Napatingin ako kay Recca.

"Pang-ilan na yan ah baka mapuno yan." Sabi ko.

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo "Its okay, I just want to filled up this with our memories."

Napangiti nalang ako sa kaniya "Ang sweet mo naman pero mas sweet itong chocolate cake."

Nakasibangot siyang sumunod samin sa kusina. Takam-takam na talaga ako dito sa chocolate cake pero ayaw namang bumitaw tong anak ko.

Pinaghanda ako ni Recca ng plates at bread knife bago kunin sakin ang anak ko.

"Sweetie, let daddy lift you up. Mahihirapan si mommy kumain eh." Pinaupo niya sa lap si Kysein at ngumiti sakin.

Sinimulan ko nang kainin ang ni'baked niya at ang sarap!

"Mommy, I heard daddy says you're beautiful. I heard it clearly mom."

Napatingin ako kay Recca at nagpeace sign lang siya sakin.

Napailing ako "Alam kong nagagandahan ka sakin pero pigilan mo naman ang sarili mo minsan. Nakakahiya sa anak natin...."

Kita kong mas lumapad ang ngiti niya kaya nagtaka na ako..

"....Bat ka nakangiti?"

Umiling lang siya "Nothing... Ang sarap lang pakinggan ang salitang 'anak natin'.

Natawa nadin ako at bumalik sa pagkain "Don't worry, sa susunod ang maririnig mo na sakin ay ang 'MGA anak natin' ".

Natigilan siya at bumawi ulit ng ngiti "Mas gusto ko yan. At gusto ko na ding buohin natin sila ngayon."

Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Letche di ko kinaya ang takbo ng isip niya!

"Daddy, I want to sleep na." Sabi ng anak ko. Ang timing mo naman anak.

"Okay, let daddy---"

"No, I'm okay dad. I can handle myself. I can sleep alone... Bye po. I love you." Umakyat na mag-isa ang anak namin sa kwarto niya...

At ngayon....

"Mukhang umaayon sakin ang pagkakataon.... Wife, wanna try to eat me? Mas masarap ako diyan sa kinakain mo." Sabi niya sabay kindat.

"Kalokohan mo----WUYY!!"

Bigla niyang inagaw ang cake ko...

"Come on. Sa kwarto tayo."

Tinuro ko yung cake "Aanhin mo yan? Bat mo pa dadalhin sa kwarto?"

Ngumiti siya ng nakakaloko "Magagamit natin to. Tara?"

THE END

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon