Continuation CHAPTER 8

1.2K 30 0
                                    

"Hindi ko sinasadyang mabangga siya kaya siya natumba... Ikaw lang muna ang bahala dito dadalhin ko lang siya sa hospital." Sabi ni Chief Zayn sa kaniya bago ako harapin.

"Please let me take you to the hospital miss."

Napangiwi ako nang sumakit na naman ang balakang ko "A-ako nalang. Kaya ko naman."

Tumalikod na ako para umalis pero mabilis akong hinawakan sa braso ng lalaking to. Nagsisimula na akong mainis.

"Are you sure? Wag kanang makulit miss. It's my fault so please let me assist you. Will you?"

Hindi na ako nakipagtalo dahil sobrang sakit na talaga ng balakang ko. Inalalayan niya akong maglakad at kita ko naman ang inggit at galit ng mga babaeng nadadaanan namin. Bakit?..

Kinuha na niya ang kotse niya at inalalayan akong makasakay. After 15 minutes nakarating na kami sa hospital. Siya na ang nag asikaso ng lahat, yung x-ray at bills ko. Hinayaan ko na siya sa bagay na yon para hindi na siya makonsensiya.

"Doctor let you to discharge as of now pero kailangan mo pang bumalik for an observation. Don't worry sasamahan kita." Sabi ng lalaking kasama ko.

"Salamat." Tanging sagot ko lang.

"I'm terribly sorry for what happened miss. Sabihin mo lang ang mga kailangan mo para makabawi manlang ako----"

"Wag na hindi mo naman sinasadya eh. At isa pa kasalanan ko din naman dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry din naabala pa kita." Sabi ko na puno ng sinseridad.

Mahina naman siyang natawa "You're down to earth person huh? Pero salamat narin. And by the way, I'm Recca Zayn. Nice to meet you miss?"

"Sei.. Sei ang pangalan ko." Pagpapakilala ko at nakipagshake hand sa kaniya.

Siya na ang nagpresentang maghatid sakin kaya pumayag na ako. Pagkarating namin sa bahay, siya na ang nagbukas ng pinto at inalalayan akong bumaba.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko.

"No problem. Basta pag may kailangan ka tawagan mo ako."

Tumango na ako at pagkatapos nun umalis na siya.

"Who's that f*cking guy?!"

Gulat akong napalingon at kita ko si Kyst na madilim ang paningin..

"K-kyst..."

Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso ko "Im asking you woman!..Just answer the damn question!"

"K-kyst nasasaktan ako----"

"Masasaktan ka talaga kapag hindi ka nagsabi sakin ng totoo!... Lalaki mo ba yon?"

"H-hindi---"

"At ang kapal ng mukha mong magpahatid pa dito ha?!.."

"M-magpapaliwanag ako..."

"Tang*na!..."

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon