CHAPTER 47

867 23 5
                                    

Sei POV

"Doc, kamusta ang operation?" Dinig kong tanong ni tita nang lumabas ang doctor mula sa operating room.

Ngumiti siya samin kaya gumaan ang loob ko.

"Successful ang operation ng patient but unfortunately wala pa siyang malay hanggang ngayon. We need to observe him for few weeks."

Para kaming nabunutan ng tinik. Mabuti nalang successful ang operation... I-ibig sabihin, ligtas siya.

P-pero...

"Doc, sino ho ba yung donor?" Hindi ko na napigilang magtanong.

Biglang nag-iba ang reaksiyon niya na parang nalulungkot na ewan.. B-bakit ganito? B-bakit bigla akong kinabahan?

"Sumama kayo sa office ko..."

Kahit nagtataka, sumunod kami nila tita at tito sa kaniya. Pagkapasok sa office dumiretso siya sa isang cabinet at kinuha ang tatlong sobre.

Humarap siya samin na puno ng lungkot ang mukha..

"Kyst want me to give you all of these after the operation.. He explained everything thru those letters. I-im sorry."

Si K-kyst?... Bakit siya may mga ganito? Para saan?

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Parang alam ko na....

"D-doc, a-anong----"

"Kyst is the heart donor of the patient... H-he volunteered to give his heart just to save his brother."

A-ano----

Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. Ang hirap isink-in sa utak ang mga yun.. Si K-kyst-----imposible....

Parang may kung sinong sumuntok sa dibdib ko dahilan para makaramdam ako ng sakit. Ayokong paniwalaan pero yun ang pinaniniwalaan ng puso ko.

Hindi ko napansin na sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko..

Umiling ako, a-ayokong maniwala "H-hindi..."

Nananaginip lang ako diba?...

Narinig ko na ang malakas na pag-iyak nina tita at tito kaya dun ko lang napagtanto na totoo ang lahat ng to. T-totoong wala na si Kyst...

Biglang nanlambot ang tuhod ko kaya napabagsak ako sa sahig. Napasuntok ako ng paulit-ulit sa dibdib ko, ang sakit!

"K-kyst..." Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at nagbabasakaling magpakita siya sakin ng buhay... Nagbabakasakali akong susulpot siya bigla sa likod at ngingiti sakin at sasabihing biro lang ang lahat.

K-kyst hindi totoo to diba?... Buhay ka pa... P-please magpakita ka sakin....

; Pakiready ng tissue sa next chap.

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon