CHAPTER 45

819 20 2
                                    

Kyst POV

"Mukhang pagod na pagod kana ah.."

Lumingon si Sei sakin at kita ko sa mukha niya na parang pasan-pasan niya ang mundo. Nahihirapan na siya sa sitwasyon niya but still she's fighting. Malakas at matatag siyang babae that's why I adore her more.

"Ayos lang ako wag kang mag-alala Kyst... Nga pala di mo ba bibisitahin kuya mo?" She asked.

"Pumunta na ako sa kaniya kanina at isa pa malalim na ang gabi baka natutulog na yun."

Umiwas siya ng tingin at ngumiti ng pilit "Alam mo ba natatakot ako sa tuwing natutulog siya... B-baka kasi hindi na siya magising eh."

Once again, I see the pain she feels..

"Ikaw lang din ang nananakot sa sarili mo Sei.. Don't worry walang mangyayaring masama kay kuya... I w-will sure that thing..."

She looked at me "S-salamat ah.. Dahil sayo gumagaan ang pakiramdam ko ngayon."

"No problem, malakas ka sakin eh."

Ang totoo ako ang nakipagkita kay Sei ngayon. Gusto kong makita ang mukha ng babaeng mahal ko bago ako mawala bukas. Limitado nalang ang buhay ko at ilang oras nalang ang itatagal ko sa mundo kaya gusto kong ubusin yon na kasama siya. K-kahit sa huling sandali ng buhay ko g-gusto ko siyang makasama...

"Sei... naalala mo pa yung lugar kung saan first meet natin? It was 12 years ago." Basag ko sa katahimikan.

"Oo naman.. Naalala ko high school palang tayo nun nung makita kita dun tas ang sungit mo pa sakin." Reklamo niya.

Natawa ako "Hindi pa kasi kita kilala... Anyways, pwede bang bumalik tayo dun bukas at bili tayo street foods gaya ng ginagawa natin dati... Magpi'picnic tayo habang nakatanaw sa dagat."

"Okay.. Magpapaalam muna ako kay Recca alam mo namang seloso yun."

"Hindi na kailangan. Siya mismo ang humiling sakin na ipasyal kita masiyado kana kasing nag-ooverthink eh. Gusto niyang marelax ka muna." I said.

Tumango siya "Sige, at hinatayin natin yung sunset."

Bigla akong nalungkot nang banggitin niya ang bagay na yon.

H-hindi na ako aabot hanggang sunset Sei... Bukas ng hapon mawawala na ako at hindi mo na makikita pa.

"S-sei... I can't give you that.. Kailangan kong umalis bago mag 2:00 pm."

Taka niya akong tiningnan "Saan ka pupunta? Aalis ka?"

I smiled bitterly hanggat maaari ayokong makita niya akong malungkot.

"Sa malayo. Pupunta ako sa isang malayong lugar."

"B-bakit? Lalayo kaba dahil samin----"

I shook my head " Hindi.. May sarili akong dahilan Sei, maiintindihan mo rin ako."

Bukas mawawala na ako...

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon