CHAPTER 3

1.5K 29 0
                                    


Sei POV

Katatapos ko lang magluto ngayon ng breakfast at hinahanda na ang mesa. Nagluto ako ng tinolang manok dahil yun ang paborito ni Kyst. After a moment narinig ko na ang mga yapak niya.

Tinanggal ko ang apron ko at napatingin sa hagdan. Pababa na siya ngayon habang mag kausap sa phone, malamang si Kelly yung kausap niya. Ang ganda kasi ng ngiti niya eh. Sana ngitian din niya ako kahit isang beses lang.

"Okay, sunduin kita." Sabi niya bago pinatay ang tawag. Napatingin ito sa mesa kung saan nandon ang mga pagkain.

"Kyst halika." Pagpapalapit ko at sumunod naman siya.

Binigay niya ang necktie niya kaya napangiti ako. Ganito talaga kami tuwing papasok siya sa office. Hindi talaga siya marunong magtali ng necktie niya.

"Ang laki mo na pero hindi mo parin alam kung pano gawin to. Pano kung wala na ako sa tabi mo? Edi wala nang gagawa sayo neto." Pabiro kong sabi na ikinatigil niya. Kahit hindi ko tingnan alam kong nakatitig siya sakin.

Huminga siya ng malalim "Let me."

Akmang pipigilan niya ako nang pigilan ko siya "Ako na Kyst. Hayaan mong pagsilbihan kita. Dito lang ako sumasaya eh."

Hindi na siya nakipagtalo at sumunod nalang. Nung matapos na hinila ko ang necktie niya at...

*TSUP

I kissed him. Gulat ang rumihestro sa mukha niya.

"Kain na tayo. Pinagluto kita." Sabi ko na parang walang nangyari.

Umupo siya sa table at binigyan ko siya ng plate. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na kaming kumain.

"Ah nga pala Kyst, pupunta ako mamaya sa lola ko okay lang ba?" Pagpapaalam ko.

"Up to you. Hindi mo kailangang magpaalam sakin." Sabi niya na hindi ako tinitingnan.

"Bastos naman kung hindi ako magpapaalam sayo. Mabuti narin na alam mo kung saan ako pupunta para hindi ka mag alala."

"I don't have care for you. Just do whatever you want."

"Kyst..."

"Kung may sasabihin ka pa sabihin mo na."

"M-mayron sana kaso----"

"Just spill the beans Sei."

"A-ano kasiii... Sabi ni lola isama daw kita gusto ka niyang makita."

Ibinaba niya ang kobyertos bago ako tingnan "Bat hindi mo pinigilan?"

Nagpilit ako ng ngiti "Matanda na ang lola ko Kyst at may sakit kaya ginagawa ko ang lahat ng ikasasaya niya... Kaya p-pwede bang pagbigyan mo na siya? Naaawa ako eh mahal na mahal ko yun."

"May date kami ni Kelly." Putol niya kaya natigilan ako.

"Di na pwedeng ipagpaliban ang date niyo? ... Kahit wag na para sakin Kyst, kahit para sa lola ko lang. Dalawang oras lang naman ang hinihingi ko eh."

"Ganyan ba katigas ang ulo mo? Kapag sinabi kong ayoko, ayoko!.. Lola mo naman yon eh at hindi sakin kaya wala akong obligasyon sa kaniya."

Masakit na sakin ang saktan niya ako pero mas doble ang sakit kapag si lola na ang pinag uusapan.

"A-ahh sige okay lang.. Ako na bahalang magpaliwanag.... S-sige sa taas mo na ako." Sabi ko at umalis na.

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon