CHAPTER 41

856 23 0
                                    

Sei POV

Kanina pa akong hindi pinapansin ni Recca nung makita niyang nag-uusap kami ni Kyst. Naipaliwanag ko na sa kaniya lahat pero parang barado ang magkabilang tenga niya, parang wala siyang naririnig.

Hays susuyuin ko nanaman siya...

"Babe.. Ano ba, harapin mo nga ako." Sabi ko pero hindi siya humarap. Nanatiling nakatulakbo siya ng kumot at nakahiga sa kama.

"Naseselos ka ba?" Tanong ko ulit.

"Probably Sei. Kahit sino namang lalaki magseselos kapag nakita niya yung 'fiance' niya na kausap ang 'ex'." Pagdidiinan niya pa.

Bumuga ako ng hangin. Seloso talaga ang hinayupak na'to.

"Nag-usap lang kami sandali yun lang. Inayos na namin ang sa pagitan namin at hindi na tayo gugulohin. He choose to move on."

Bigla siyang umupo at hinarap ako "Tss naniwala ka naman?! Who knows, he planning something without us noticing it. Malay mong nagkukunwari lang yun pero ang totoo may balak siyang agawin ka niya sakin."

Natawa ako ng mahina "Praning mo, as if naman magpapaagaw ako.. Recca, nasa'yo na ang puso kaya ano pa ang inaalala mo?"

"Inaalala kong baka paggising ko isang araw bumalik ang nararamdaman mo sa kaniya.. Yun ang kinakatakutan kong mangyari sa buhay ko Sei.. He's your ex lover at alam ko kung gaano mo siya kamahal noon at alam ko rin na mas matagal mo siyang nakasama kaysa sakin.. k-kaya anong laban ko sa kan-----"

"Shhhh tama na Recca. Hindi mangyayari ang bagay na yun okay? Hindi kita iiwan dahil lang sa minahal ko siya ng todo noon.. At kung inaalala mo ang matagal na pagsasama namin well let's break that record then. Magsama tayo habang buhay." Sabi ko ng nakangiti at kinurot ang pisngi niya.

Ngumiti siya "Alam mo buti nalang nandiyan ka.. Isang salita mo lang, lahat ng pangamba ko nawawala.. What kind of magic is that?"

"That is what we called 'love' not 'magic'."

"Psh, corny mo buti nalang maganda ka."

"Hehe talaga? Maganda ako?"

"You're the most beautiful and amazing woman among the others. Wala kang katulad."

Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang nauwi sa harutan, asaran at hampasan ng unan. Para kaming mga bata.

"WHAHAHAHA ang hina mo naman!" Natatawang sabi ko dahil hindi na siya makaganti sakin.

"Don't underestimate me-----acck!!" Bigla siyang dumaing at napahawak sa puso niya.

Recca!

"RECCA!!..." Tumakbo ako papunta sa kaniya at ngayon natataranta na ako. Ilang ulit niyang sinuntok ang dibdib niya at nahihirapang huminga.

"I-im okay----"

"Hindi, Hindi ka okay... S-sandali lang hihingi lang ako ng tulong, dito ka------ RECCA!!"

Napasigaw ako ng mawalan siya ng malay.

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon