CHAPTER 6

1.2K 32 0
                                    

Kyst POV

"Sei?" Kanina ko pa tinatawag ang babaeng yon pero hindi siya sumasagot. Hinanap ko na siya kung saan-saan kulang nalang baliktarin ko ang buong bahay para lang makita siya pero ni anino niya hindi ko makita.

It's already 5:00 pm pero hindi parin siya umuuwi. It was almost 5 hours na hindi ko siya nakikita pero bat hindi ako mapakali? Gustong-gusto ko siyang hanapin sa mga oras nato.

Tiningnan ko ang phone ko at umaasang bubungad sakin ang mga missed calls at messages niya pero wala. Ito ang unang beses na hindi siya nagpaalam sakin at aaminin kong hindi ako sanay.

Nasaan kana ba?!

B-baka....

"Sh*t!!" Napamura ako dahil sa naisip ko. What if tuluyan na niya akong iniwan?

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin at mabilis na binuksan ang cabinet. I feel relieved nang makita kong nandito pa ang mga damit niya.

Bumaba na ako and i tried to call her but suddenly the door opened...

Napatingin ako sa pinto at eksakto naman ang pagpasok niya. I was about to reprimand here but I have noticed something.

What's here problem? B-bakit ganyan ang mukha niya?

"S-sei..." Mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Namumugto ang mga mata niya at parang hinang-hina ang katawan niya ngayon. Kita ko ang sakit sa mukha niya at hindi makakaligtas sakin ang paghikbi niya.

I admit na napapaiyak ko siya pero hindi yung ganito... This is too much.

"Sei..." I called her pero parang wala siyang narinig at nilampasan ako. Hindi ko maiwasang magtaka sa kaniya. There's something serious behind her.

Hinawakan ko ang braso niya at pinaharap ko siya sakin. I examining her face.

"W-what happened? You okay?" Sh*t bakit ba ako nag aalala sa babaeng to?!

Nag nod lang siya bilang sagot bago tanggalin ang kamay ko. Tinalikuran na niya ako at lumakad na paalis. Hindi ko maiwasang magtaka sa inaasal niya.

Hinabol ko siya at pinaharap ko ulit "Mag usap nga tayo wag mokong talikuran. Ano bang nangyayari sayo?"

"P-please wag muna ngayon Kyst masama ang pakiramdam ko." Nanghihinang sabi niya pa at naramdaman ko ang bigat ng paghinga niya.

Ano ba ang nangayayari sa babaeng to at bakit ako nagkakaganito?! Hindi ko ugaling magtanong ng mga bagay-bagay lalo na kung tungkol sa kaniya!

"May nangyari ba? Bat ganyan ang itsura mo? Para kang namatayan." I said.

She looked at me and I saw the anger in her eyes "Wag ngayon Kyst, wag ngayon."

Marahas niyang tinanggal ang kamay ko kaya mas lalo akong nagtaka. Si Sei ba'to? Kakaiba ang awra niya.

"Pwede ba sagotin mo nalang ang tanong ko." Tumaas ang tono ng boses ko.

"Matutulog na ako."

"Just answer the damn question Sei..."

"Goodnight."

"Tang*na naman oh! Kinakausap kita ng maayos!! Bakit hirap na hirap kang sagotin ang tanong ko---"

"PWEDE BANG HAYAAN MOKONG MAGPAHINGA KAHIT NGAYON LANG KYST!! PAGOD NA PAGOD AKO NGAYON AT MASAMA ANG PAKIRAMDAM KO KAYA PLEASE LANG MAKIRAMDAM KA NAMAN!"

After she say those words she quickly went upstairs. I remained speechless. The f*ck, s-she shouted at me..



HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon