CHAPTER 5

1.2K 36 0
                                    

Sei POV

"Hello?" Sagot ko sa tawag. Hindi ko alam kung sino to, unknown number kasi eh.

"Si miss Sei po ba ito?.." Tanong niya ulit kaya nagtaka na ako.

"Opo. Bakit, sino to?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako po yung nurse na nagbabantay sa lola niyo. Unfortunately hindi na po bumubuti ang vital signs niya. Miss Sei gusto ho kayong makita ng lola niyo."

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na umalis. Pagkarating ko sa hospital maraming nurse ang nakapaligid kay lola at may isang doctor ang nandon.

"D-doc anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.

"A-apo..." Dinig kong tawag sakin ni lola kaya lumapit ako sa kaniya. Masakit makitang ganito ang kalagayan niya. Mahina at nahihirapan nang magsalita.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata niya "La, nandito na ako. May masakit po ba sa inyo?"

Kahit nahihirapan pinilit parin niyang ngumiti "S-sei apo... May kailangan k-kang malaman bago ako lumisan sa mundong ito."

"L-la.. Wag po kayong magsalita ng ganyan. Please po."

Bahagya siyang tumingin sa doctor "D-doc pwede bang iwan niyo muna kami."

Sumunod ang doctor kaya umalis sila kasama ang mga nurse. Tatlo nalang kaming nandito sa loob. Si lola, ako at yung taong pinagkakatiwalaan niya.

"Y-yung mga funds, deeds, properties at savings... s-sayo na nakapangalan apo.."

"Ayoko po nun la..g-gusto ko po kayo...."

"A-apo... Wag kana umiyak nasasaktan ang l-lola.. Masaya akong a-aalis.... dahil alam k-kong hindi ka pababayaan ng boyfriend mo."

H-hindi lola mali kayo ng iniisip... K-kung alam niyo lang. Ayoko lang mag alala kayo sakin kaya nililihim ko ito sa inyo. Patawad po.

"P-paano po ako pag mawala kayo? Nangako kayo sakin na ibuburda niyo pa ako ng damit diba?" Naiiyak na sabi ko.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya napahagulgol na ako "T-tapos na apo..tapos na... K-kahit hindi ko makitang suot-suot mo yon alam kong isa kang n-napakagandang babae katulad ng mama mo."

"L-lola...please..."

"Mahal na mahal ka ng lola.... Tandaan mo yan."

Kasunod ng mga salitang yon ang pagtunog ng machine hudyat ng pagpanaw ng isang taong napakahalaga sakin.

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon