CHAPTER 49

1K 25 0
                                    

Sei POV

Today is my birthday, kagagaling ko lang ngayon sa mga pinareserved ni Kyst na resto at amusement park.

Lumipas ang ilang araw at patuloy parin ako sa pag-iyak. Bawat minuto ang lungkot ng buhay ko na parang pasan-pasan ko ang mundo. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Noon, nasanay ako na kasama si Kyst ng anim na taon. At nasanay din ako ng ilang taon na wala siya dahil sa paghihiwalay namin pero...

Ang katotohanan na hindi ko na siya makikita kahit kailan ay hindi ko matanggap....

Kyst...

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa hallway para bisitahin si Recca. Nagkamalay na siya noon pang nakaraang araw at nalaman na niya ang tungkol kay Kyst...

Pati din siya hindi matanggap yun...

"Sei...." Tawag sakin ni Recca nang makapasok na ako sa room niya. Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sakin na tila apektado din siya sa nararamdaman ko.

"Recca...." Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi. Umupo narin siya at tinitigan ako.

"Alam kong mahirap tanggapin ang nangyari Sei p-pero wag mo naman sanang pababayaan ang sarili mo... I see that you are stressed lately."

Pinilit kong ngumiti at marahang sinuklay ang buhok niya "Pasensiya kana dahil pinag-aalala kita ha?.. Pangako mula ngayon aayosin ko na ang sarili ko para di kana mag-alala."

Tumango siya at ngumiti "Please do it for yourself, love. Nahihirapan ako kapag nakikita kitang malungkot eh."

Nagulat ako nang yakapin niya ako at sumubsob sa leeg ko.. Si Recca, hindi niya ginagawa to kahit kailan. Madalas kapag niyayakap niya ako mas gusto niyang ako ang sumubsob sa dibdib niya....

Ang ugaling pinapakita niya ngayon ay ugali ni Kyst....

Nalilito na ako sa naiisip ko. Si Recca pa ba ito o si Kyst na? May mga ugaling nagbago kay Recca at ang mga yon ay napalitan ng mga ugali ni Kyst. Dahil ba ito sa puso niya?

Patay na ang puso ni Recca pero buhay pa ang katawan niya. Samantalang si Kyst, patay ang katawan pero nabubuhay parin ang puso. Dalawang kataohan sa iisang katawan.

Kumalas na siya at nginitian ulit ako. Hinalikan niya ako sa pisngi pati narin sa labi.

"Ang ganda mo." Sabi pa niya.

Ngumiti ako "In born ang kagandahan ko kaya wag mo na akong pakawalan."

Biglang siyang ngumiwi "At sino naman ang nagsabing papakawalan kita? Tss wala akong balak gawin yun lalo pa ngayon mas nadagdagan pa ang pagmamahal ko."

Tumaas ang kanang kilay ko "Ano? Ipaliwanag mo nga."

"Tss, ang slow mo talaga. Look, mahal na kita nung una palang at ngayon nadagdagan pa dahil nasa akin ang puso ng kapatid ko. Kaya wala kang dapat ipag-alala dahil hindi kita lolokohin, okay?"

"Psh, sana nga.. Babaero kaya yung kapatid mo."

"Aish, puso lang ang nagbago sakin no at hindi ang nararamdaman ko. At isa pa, nagbago na ang kapatid ko diba? Kaya sigurado akong hindi kita gagawan ng katarantaduhan. We're both wanna protect you at all cost."

Natawa nalang ako "Natutuwa ako dahil pinagtatanggol mo na ang kapatid mo ngayon. Kung nandito lang siya sigurado akong matutuwa yun."

"I know.." Bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

Taka ko siyang tiningnan "Bakit? Masakit ba?"

Umiling lang siya "Pakiramdaman mo. Bumibilis ang tibok ng puso ko, parang nagkakasundo kaming dalawa ni Kyst."

Tinanggal ko ang kamay ko at saka iniligay ko ang tenga ko sa dibdib niya...

*TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG *TUG  *DUG  *TUG  *DUG  *TUG  *DUG

Ganito pala ang tibok ng puso ni Kyst...

"Bumibilis ang tibok kapag lumalapit ka ng ganyan..."

; Saka ko na bubuhayin si Kyst kapag may nag'mine na sakin HAHAHHAHSHHSHS

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon