CHAPTER 30

991 28 0
                                    

Sei POV

Nung napag-isipan kong lumuwas ng bansa, ipinahukay ko ang puntod ni lola at ipa'cremate nalang. Dahil alam ko sa paraang yun matatahimik siya...

Sa isang banging malalim isinaboy ko ang abo ni lola. Pero sa harapan nun ay isang malawak na dagat kung saan doon lumulubog ang haring araw.

Masiyadong malapit sa puso ko ang lugar na yun dahil doon ko unang nakilala si Kyst kaso natigil lang ang pagpunta ko dun nung pumunta na ako ng Hongkong.

Nang makarating na ako, ipinark ko ang kotse sa di kalayuan at pumunta na sa tuktok ng bangin.

"Lola, kamusta na ho kayo?..." Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa malawak na dagat.

"....La, tingnan niyo isa na po akong successful businesswoman ngayon. Natupad ko na ang pangarap ko kaya wag na ho kayong mag-alala diyan. At isa pa may bago po akong boyfriend ngayon. Mabait siya ho siya at mahal na mahal niya ako kahit may saltik yun minsan..."

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko.

"....La, Salamat ho sa lahat, sa pagmamahal at pag-aalaga niyo sakin mula nung maging ulila ako hindi niyo ako pinabayaan... S-salamat po."

Naluluha akong ngumiti dahil sa wakas nasabi ko na ang gusto kong sabihin.

"S-sei?..."

*tug   *dug  *tug   *dug!

Lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa boses na yun. Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari nun.. N-nandito----

Unti-unti akong humarap sa taong yun at laking gulat ko nang makita siya.

"K-kyst?...."

Hindi ako makapagsalita masiyado akong nagulat. A-anong ginagawa niya dito? At sa lahat ng tao, b-bakit siya pa?

Kita ko ang gulat sa mukha niya at dahan-dahan siyang lumapit sakin.

"I-is........... Is that you?....S-sei?"

Kita ko ang pamamasa ng mga mata niya nang tuluyan na siyang makalapit sakin.  Tiningnan niya ang kabuoan ko para siguradohing totoong ako ang nasa harap niya...

A-ako to Kyst....

"F*ck!... It's you! For real! I m-miss you so much, Sei." Sabi niya at niyakap ako.

Nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin. At hindi ko alam ang sasabihin.

"B-bakit ngayon kalang? Nangulila ako sayo."

"Kyst..." Napayakap na din ako.

"T-thank you, thank you Sei dahil nagbalik ka. I've been waiting for you love."

Nagtagal ang sandaling yun para samin hanggang sa nahimasmasan na siya.

Pareho kaming nakaupo ngayon habang nakaharap sa dagat. 5:00 pm na kaya lumulubog na ang araw.

"K-kamusta kana?" Biglang tanong niya.

"Ayos lang." Sagot ko.

Sandali bago siya magtanong ulit "Hindi mo ba ako kakamustahin? Hindi mo ba aalamin kung anong nangyari sakin nung mawala ka?"

"It's kinda rude kung itatanong ko sayo yun, dahil alam ko naman ang sagot.... Pero, may iba akong gustong itanong sayo."

"What is it?"

Tumingin ako sa kaniya at saktong nakatingin din siya sakin "Nung iniwan kita, nagalit kaba sakin?"

Mapait siyang ngumiti "Oum nung una.... Pero naiintindihan kita kung bakit mo ginawa yun kaya as of now I'm not mad nor upset at you."

Ngumiti ako "Salamat."

"Still have an effect to me...."

"Ha?"

"I'm talking about your smile. It's been 6 years na hindi ko yan nakita. And now that I saw it, it was just like a first time for me. Naninibago ako."

Natawa nalang kaming dalawa at humarap sa dagat. Buti nalang nagkakaayos na kami. Akala ko galit padin siya hanggang ngayon.

"Nga pala bat ka nandito? Paano mo nalaman ang lugar na'to?" Basag ko sa katahimikan.

Ngumiti siya "Dahil dito kita unang nakita, this place were our first meet that's why everyday I went here and hoping that I could see you here. And besides, alam kong importante sa'yo ang lugar na'to." Sabi niya at "ahh" nalang ako.

Hinintay namin ang paglubog ng araw at sa mga oras na yun nagkwentohan kami ng kung ano-anong bagay. Hanggang sa...

"Umaambon na Sei. Mabuti pang umalis na tayo." Sabi niya habang nakatingin sa langit.

Tumango ako "Sige."

"Pero mukhang hindi na yata ako masusundo ni Jayvion. Kanina pa sila nag-inuman kaya malamang lasing na yun. At isa pa walang dumadaan na sasakyan dito." Pamomroblema niya pa.

Kumunot ang noo ko "Eh pano ka nakapunta dito? Wala kang dalang kotse?"

"Indeed..."

Natampal ko ang noo ko "Sige na nga, ihahatid nalang ki----"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumuhos ng malakas ang ulan. Bigla niya akong hinila para tumakbo hanggang sa makapasok na kami sa kotse ko.

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon