CHAPTER 43

832 21 0
                                    

Recca Zayn POV

"You've cried a lot." I said in a low voice when I saw her eyes swollen. Namumugto ang mata niya halatang kanina pa niya ako iniyakan and it sucks seeing her like this.

P-pano pa kaya kung-----

"A-ayaw mo ba talagang tawagin ko yung doctor? Baka kasi mapano ka eh n-nag-aalala ako." She said and I saw the trauma on her face.

Pinilit kong ngumiti and I move a little bit "Wanna lie down next to me?"

Tumango siya at humiga sa tabi ko. I hugged her and she hugged me too. Ramdam ko ang pangungulila sa yakap niya na parang sinusulit ang pagkakataong ito. She's scared.

Sumubsob siya sa dibdib ko and this time naririnig kong umiiyak siya. Pinigilan kong mapaiyak dahil ayokong panghinaan siya. I just want her to see me fighting against my disease.

"Babe... C-can you do me a favor?"

She nodded "K-kahit ano.."

"I wanna see your face.." I said. Unti-unti siyang kumalas at tumingin sakin.. And now I'm facing with my angel, my girl, my life, my world, my love and my everything.

S-she means to me a lot...

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya, m-mahina siya pagdating sakin. At mahina din ang puso ko pagdating sa kaniya... S-she loves me that much...

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya at kinabisado ang bawat parte ng mukha niya. Hanggat maari ayaw ko itong makalimutan....

"A-ang mukhang to,.. Ito ang mukha na gusto kong bumungad bawat paggising ko.. Ito ang mukhang gusto kong makita araw-araw, a-at ito rin yung mukha na gusto kong titigan hanggang sa huling segundo ng buhay ko... I-ito ang mukha ng babaeng mahal na mahal ko. Ito din ang mukha ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang pasiyahin ako at buoin ang araw ko, ito ang mukha ng babaeng minamahal ko..."

"B-bat ka nagsasalita ng ganyan?... P-please tumigil kana Recca.. Tinatakot mo na ako..." She said and she wiped my tears.

I smiled bitterly "G-gusto ko mangako ka sakin Sei... W-wag mokong kakalimutan pakiusap... I d-dont want to say this but h-hindi natin hawak ang panahon at buhay natin... I d-dont know either what will happen next k-kaya gusto kong mangako ka sakin if in case na m-may mangyari sakin, kapag nawala na ako..."

"R-recca t-tumigil kana..."

"G-gusto ko ipagpatuloy mo yung mga pangarap natin at plano sa buhay..... k-kahit hindi mo na ako kasama."

Bigla nalang niya akong niyakap at umiyak. I'm crying too. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na makita siyang ganito.

M-my Sei...

"P-please wag kang mamamatay... P-pilitin mo please, h-hindi ko kaya!.. Labanan mo yung sakit mo, wag mokong iwan!"

Napapikit ako at kasabay nun ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

I kissed her forehead "I love you Sei... I love you so damn much."

;

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon