CHAPTER 8

1.3K 32 0
                                    

Sei POV

Its been a month mula nang mamatay ang lola ko. Pinilit kong magmove on at maging masaya sa kabila ng nangyari. Ayokong maging malungkot nalang dahil malulungkot lang din ang lola ko.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon nang may nadaanan akong resto. Silver Sea Resto ang pangalan. Bigla akong nagcrave kaya naman hindi na ako nag atubiling pumasok.

"Table for one ma'am?" Bungad na tanong sakin ng isang waitress.

Tumango ako "Yes please."

She assist me in the table and she gave me the menu. Mukhang masasarap ang mga dishes nila dito kaso may presyo.

"We have that special dish which is called 'Sheet Pan Sausage'.. Wanna try some, ma'am?" Tanong pa niya.

Ngumiti ako at tumango "Yes please and give me your best dessert. Thank you."

Pagkaalis ng waitress ay eksakto namang may tumawag sakin. Tiningnan ko ito at laking gulat ko na si Kyst ang tumatawag. Ito kasi ang unang beses na tinawagan niya ako at hindi ko maiwasang kiligin.

"Love? Hehe bakit?" Nakangiting sagot ko sa tawag.

["Nasaan ka?"] Tanong niya.

"Ah hehe nasa labas kumakain. Bakit?"

["Nothing."]

"Hmm namiss moko no? Hindi ka naman tumatawag sakin eh. First time to."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim ["Hindi pa ako nasisiraan para mangyari yon. Umuwi kana ng bahay maraming kalat dito."]

Hindi nako nakapagsalita dahil sa isang bagay na sumagi sa isip ko. Malinis na iniwan ko ang bahay kanina maliban nalang kung may nagyari sa kanila ni Kelly dun.

Pinilit kong hindi pumiyok "A-ahh sige.. By the way, kumain kana ba? Gusto mo dalhan kita?"

["Hindi na dahil may nakain na ako dito at mas masarap siya kumpara sa ibang putahe diyan. And besides I'm sure wala ka namang pambili."]

Pagkatapos niyang sabihin yon narinig ko ang boses ni Kelly sa kabilang linya at tinatawag siya neto. Magkasama na naman sila.

Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ininsulto niya ako at ang tingin niya sakin ay isang dukha na butas ang bulsa.

"S-sige.. Ibababa ko na. I love you Kyst."

Mabilis niyang binaba ang tawag at wala manlang akong natanggap na tugon mula sa kaniya. Asa ka Sei hindi ka mahal ng taong yon. Wag kanang umasa!

"Here's your order ma'am. Have a great lunch." Ibinaba ng waitress ang order ko pero bigla nalang ako nawalan ng gana.

Pero sayang ang ipinambayad ko...

After few minutes natapos na akong kumain kaya naisipan ko nang umalis. Pero hindi muna ako uuwi dahil alam kong magkasama pa sila ngayon.

Habang naglalakad ako papuntang pinto ng resto, biglang nagpop up ang messages ko hudyat na may nagtext sakin.

Dylan...

Siya yung taong pinagkakatiwalaan ni lola at nag aasikaso ng mga mamanahin ko. Ayon sa text niya, gusto niyang magkita kami para masign ko na ang nga pape-------

*BLAAGG!!!

Bigla nalang ako sumalampak sa sahig dahilan para mabigla ang balakang ko. Sh*t sobrang sakit parang nabalian yata ako.

"Sh*t! ..s-sorry miss.. You okay? May masakit ba sayo?" Dinig kong tanong ng isang lalaki kaya napatingin ako sa kaniya.

Di ko maitatangging gwapo siya ah pero si Kyst parin ang mas pogi para sakin.

"A-ah..." Tumayo na ako at bigla akong dumaing nang sumakit ang balakang ko. Ayos, ang lakas ng pagkakasalampak ko.

"Miss I'm asking you.. Okay ka lang?" Tarantang tanong niya ulit.

"A-ayos lang ako. Wala to." Pagsisinungaling ko. Pero sh*t gusto kong magpunta sa hospital.

"You're lying.. Namumutla ka miss. Dalhin na kita sa hospital."

"Chief Zayn!.. Anong nangyari?" Tanong ng isang lalaki pagkalapit samin..

Chief Zayn?

To be continued....

HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon