Sei POV
"Oh! Here you are." Galak na bati sakin ni Recca Zayn nang makita niya ako. Nandito kasi ako ngayon sa resto niya at kararating ko lang kaya hindi pa ako nakaorder.
"Hi chief, magandang araw." Bati ko sa kaniya.
Bahagya naman siyang natawa "Don't call me that, that's too formal... You can call me either Recca or Zayn. Up to you."
Napatango nalang ako "Ahh sige, Recca nalang."
Ngumiti siya "Good.. Anyways, nandito karin lang, gusto mo makita ang kitchen namin?"
Nanlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Kahit narin yung mga waitress at co-chief sa likod niya ay napataas ng kilay.
Bakit?
"Ha?" Lutang na tanong ko.
"Too cute... Gusto ko lang bumawi sa nangyari kaya ito'tour kita sa restaurant ko. Can we?" Tanong niya sabay lahad ng kamay.
Awkward akong ngumiti "S-sige..."
"Alright,.. My pleasure."
Habang naglalakad kami papuntang kitchen, nadaanan namin ang grupo ng kababaihan na masama ang tingin sakin na para bang pinapatay na nila ako sa isip nila. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagsunod kay Recca hanggang sa makarating na kami sa kitchen.
Namangha ako sa ganda ng kitchen nila. Hindi ito tulad ng sa nakikita ko.... Masiyadong malinis at maaliwalas dito at masiyadong malaki kaya hindi nagsisiksikan ang mga cook dito.
Ang ganda...
"This is one of my favorite spot. Dito namin niluluto ang mga orders ng mga customer namin. At sinisigurado naming fresh at masarap ang mga pagkain bago namin i'served."
Napatango-tango nalang ako at nilibot ang tingin sa buong kitchen.
"Maganda dito... Pero hindi ba ako nakakaabala sa inyo Chief?.. Babalik nalang---"
"No, its okay and besides free day ko naman ngayon. I have a substitute chief anytime na gusto kong mag day off... Kaya no worries okay lang."
Suminyas siya sa mga chief gamit ang kamay hudyat na para sa oras ng trabaho. Bigla siyang nagsuot ng apron at...
Sinuotan din ako?!!!!!
Bigla siyang pumwesto sa likuran ko at isinuot sakin ang apron. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko kaya di ako makagalaw. A-anong nangyayari sakin?
Dinig ko ang sunod-sunod na tikhim at sipol dito sa loob pero agad silang sinita ni Recca gamit ang mata.
"You should wear that when you're in this kind of place just to protect your clothes from possible stain. And also maraming matatalas na bagay dito that's why you should have to be careful." Pagpapaalala niya bago ako iwan.
Kumuha siya ng meat sa freezer at ilang gulay para sa pagluluto. Bahagya niya akong hinila papunta sa isang mahabang mesa at nagsimula na siyang maghiwa.
"Gusto kitang ipagluto, ayos lang ba yon sayo?" Tanong niya ng nakangiti sakin.
Bigla nalang pumalakpak ang mga tenga ko sa sinabi niya.
Mabilis akong tumango "Oo naman, Chief."
Natawa siya at nagpatuloy sa paghiwa. Marami siyang itinuro sakin at marami akong natutunan sa kaniya pagdating sa kusina.
After 40 minutes nakaluto na siya at amoy na amoy ko ang bango nun. Hehe nagugutom na ako.
"Here we go luto na. Join me, let's eat together." Sabi niya pa.
"T-talaga?" Excited na tanong ko. Hoy Sei nasaan na ang hiya mo!!??
"My pleasure having you as my lunch-mate."
Sabay kaming pumunta doon daw sa paboritong pwesto niya. At take note, nakareserve ang pwesto nato para lang sa kaniya.
"Let's eat." Aya niya pa at nagsimula na kaming kumain. Sa mga sandaling yun hindi namin napigilang magkwentohan at magtawanan na para bang magkakilala na kami ng mahabang panahon. Bukod sa gwapo, mabait naman pala siyang tao at masayahin. Ka'vibes ko kaya madali ko siyang makakasundo.
After naming kumain nagpaalam na akong uuwi na at hinatid niya ako sa labas ng resto.
"Sei sandali... Before you go I just wanna ask something..."
"Ano yon?" Tanong ko.
Ngumiti ulit siya "Masayahin ka pala no? .... A-ahm gusto pa sana kitang mas makilala pa,.. if okay lang sayo.."
Tumango ako "Ah sige Chief okay lang sakin."
"Thank you.."
BINABASA MO ANG
HE SACRIFICE HIMSELF TO MAKE ME HAPPY
RandomSei POV It's been a year since nanlamig si Kyst sakin. He's my long time boyfriend and we're together for 6 years and still counting.. But suddenly our relationship became my biggest tragedy in life.. He cheated on me. "Don't worry darling.. I don'...