Entry #2

140 5 1
                                    

Dear Future Boyfriend,

May program sa school kanina, nanood ako ng basketball kasama ang kaibigan ko na si Penelope. Niyaya nya ako manood dahil maglalaro ang boyfriend nya na si Trevor. Kilig dba?

Basketball player ka din ba? Kung sakali man, huwag kang mag alala dahil sa bawat laro mo nandon ako para suportahan ka.

Ayos lang naman saakin kung hindi ka isang varsity player. Kahit anong hilig mo susuportahan pa din kita.

Nakakainis lang, dahil kanina habang nanonood kami bigla nalang dumating yung pinsan ni Penelope. Si Asher, sobrang mean nya, natatakot ako kapag nandyan sya dahil lagi syang naka simangot >.<

Hindi ako naka nood ng maayos dahil umupo sya sa tabi ko. Kinuha nya pa yung bottled water ko! Hindi man lang nya hiningi, ibibigay ko naman.

Nakakainis pero dahil pinsan sya ng bestfriend ko kailangan ko syang paki samahan.

Pero kung ikaw yung kukuha ng water ko okay lang naman. Hihi

Love,
Rana

Dear Future BoyfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ