Entry #15

37 2 0
                                    

Dear Future Boyfriend

Umuwi kami ngayon kina lola Sahara dahil na-miss nya daw kami bigla ni kuya. Dahil bakasyon naman namin pumayag naman kami ni kuya. Nag leave din si daddy at mommy sa work para sumama. Nasabi ko na ba sayo? Sa probinsya naka tira sila Lola ngayon.

Kailangan ko din siguro ang oras na to para maka pag isip isip kung ano ba ang balak kong gawin kay Asher at Kiyo.

Akala ko nga ay tatahimik ang buhay ko sandali dito pero nagkamali ako dahil pinagod lang naman ako ni kuya mag hapon. Dahil madaming strawberry na na harvest sila lolo kinulit ako ni Kuya Liam na mag bake ng tarts at cupcake.

Hindi ako maka tanggi dahil lahat sila ay naka tingin saakin at nag hihintay ng sagot

Nakalimutan ko nga din palang sabihin kay Kiyo na walang signal dito. Kaya hindi ko magamit ang cellphone ko. I feel so anxious about it dahil I know nag ooverthink na si Kiyo ngayon. Alam ko na nililigawan nya palang ako pero gusto ko lang suklian ang mga bagay na ginagawa nya din para saakin. He always make sure na lagi akong updated sa mga ginawa nya kahit hindi ko naman tinatanong.

Nag papatulong ako pumunta sa Bayan kay kuya pero ayaw ako samahan nito.

Napaka mean nya.

Wala naman akong magawa dahil ayaw din akong palabasin nila daddy.

Hay.

Love,
Rana

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon