Chapter 1

106 5 0
                                    

"Mommy, lalabas lang po ako saglit" paalam ko kay mommy na busy sa pag ba-bake

"Saan ka pupunta?" Tanong nito saakin.

"Bibili lang po kami sa book store ni Penelope. May project kasi kami sa school"

"Maglilibot lang sila ni Penelope mommy" singit ni Kuya Liam.

Pinanlakihan ko sya ng mga mata. Nakakainis. Kahit kailan ang hilig nyang makealam. Kung hindi lang sya matanda saakin ng ilang minuto kanina ko pa sya nasapak.

"Hindi po."

"Huwag kang mag papagabi. Sa bahay kana mag dinner dahil uuwi ang daddy mo" paalala ni mommy bago ako lumabas ng bahay.

Sabado ngayon at wala kaming pasok ni Penelope. Niyaya nya ako bumili ng libro dahil may bagong librong labas ang paborito nyang Writer.

Dahil sa kabilang kanto lang naman ng subdivision yung bahay nila, naglakad na lamang ako.

Pag dating ko kina Penelope nagulat ako dahil si Asher ang nag bukas ng gate.

"Si penelope?" Nahihiyang tanong ko.

Dinaanan lang ako nito ng tingin at pumasok na sa loob.

Naka tira sa bahay nila Penelope si Asher dahil ang magulang nito ay parehong nasa America. I heard they have some business there and Asher wants to finish his studies in Philippines kaya hindi ito sumama sa America.

But why do I care? Why do I even explaining this shit?

Pag pasok ko sa loob ng bahay nila Penelope tsaka lang nag salita si Asher.

"She went outside to buy something. She said you should wait for her" Malamig na tugon nito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin

Gusto ko muna sanang lumabas dahil ayoko na kaming dalawa lang sa loob. Naiilang ako at

Natatakot.

"Water?"

"Hah?" Naguguluhang sagot ko.

"Do you want some water?" Pag uulit nito na may halong pagka yamot na.

"No" mabilis kong sagot sabay yuko.

Asher is like a deliquescent. Everyone in the university is afraid of him. I remember one time when someone bumped into him, binuhusan nya ito ng tubig sa harap ng maraming tao.

He's so mean!

Halos mapatayo ako sa aking pag kakaupo dahil bigla nalang ibinagsak ni Asher ang pinto sa itaas.

"Grabe. Bakit ba kasi umalis pa si Penelope? Nakakatakot ang pinsan nya" bulong ko saaking sarili.

"Are you saying something?"

"Hah? Wala" nag iwas ako ng tingin at napa inom ng tubig ng wala sa oras.

"Alam mo ba nakakatakot talaga si Asher" I blurted out.

Penelope chuckle "Bakit naman?"

Ngumuso ako at sumubo ng ice cream na binili nya.

"Ewan ko ba. Kapag nakikita ko sya hindi ko maiwasan na hindi kabahan"

Hinampas nya ako sa balikat "Grabe ka. Mabait kaya yang si Asher. Gusto ko nga sana siya nalang ang maging boyfriend mo"

"Nako! Ayoko!! " Mabilis kong sagot na labis nyang ikinatawa.

"At anong mabait? Remember when someone tried to give him some cake? Tinapon nya iyon sa mukha ni ate girl."

"You should give him a chance."

"Hindi naman nya ako gusto. Ikaw lang naman ang nagsasabi nyan"

It's not that I don't like him. I just felt very uncomfortable with him at alam ko na malabong mag ka gusto si Asher saakin.

"I like Asher for you." Kinikilig na sambit nito na ikinanguso ko na lamang.

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now