Entry #7

48 1 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung dear future boyfriend paba talaga ang dapat kong ilagay.

Tinawagan kami ni Dean kanina dahil sa nangyari. Nagsumbong kasi si Kayleigh sa parents nya dahil sa ginawa ni Asher sakanya. Galit na galit ang parents ni Kayleigh without knowing na yung anak naman nila ang nag umpisa. Naniniwala ako kaya nagiging spoiled brat ang mga bata ay dahil sa mga magulang nila. If they didn't correct her now, what more in the future? When she did something more terrible than this.

Kung ikaw ba? Gagawin mo din ba ang ginawa ni Asher kung makikita mo na binubully ako?

Kung oo, ayoko na din sayo. Dahil ayoko ng away at palakihin pa ang gulo. Hindi ko alam kung anong trip ni Kayleigh hindi rin ako natutuwa pero hindi naman tama na ipahiya din sya sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam kung ginawa ba ni Asher yon dahil saakin, pero ayoko ng ginawa nya. Ayoko na mapahamak siya ng dahil saakin dahil nakakahiya sa mommy ni Penelope.

Walang imik si Asher pagdating ng mga magulang ni Penelope. Nahihiya ako dahil nakita nila ako na nandoon.
Tinanong nila ako kung anong nangyari ngunit hindi ako maka pag salita. Ayoko na siraan si Asher kaya pinili ko nalang na manahimik. Sa tingin ko ay kasalanan ko naman ang lahat kung bakit ginawa niya iyon.

Hindi na ipinatawag ang mga magulang ko dahil hindi naman ako dawit sa gulo nila.

Pag labas ko ng office nakita ko si Cameron na may dalang paper bag. Nahihiya ako dahil ang dumi ko. Nagulat nga ako dahil nilapitan nya ako at pinahiram ng damit. Kung sigurong normal na araw lang to ki-kiligin ako ng sobra.

Salamat cameron, dahil sa kabila ng mga nangyari nandyan ka at hindi mo ako pinilit magsalita. Ilang beses palang tayong nag kita pero ang gaan na ng loob ko sayo.

Sana, ikaw na.

Pero kung hindi man, bakit naman?

Love,
Rana

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now