Entry #11

39 2 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Pagkatapos kong kumain kanina napag pasyahan ko ng umuwi, nag iwan ako ng note para kay Kiyo para sabihin na ako ay uuwi na. Isang oras na kasi akong naka upo don dahil alam ko naman na sobrang daming tao talaga hindi ko na inistorbo si Kiyo. Umalis ako na hindi na nag paalam sakanya. Alam ko na ipipilit pa nito na ihatid ako kung nagsabi pa ako.

Tumawag naman agad ito pagkakita nya sa note na iniwan ko. Paulit ulit itong humingi ng dispensa at paulit ulit ko din naman sinabi na okay lang saakin. Ayoko lang na maging hadlang pa ako sa ginagawa nya. Kung magkaka boyfriend man ako hinding hindi ko hahadlangan ang mga bagay na hilig mo.

Nag pa-sundo nga pala ako kay daddy. Buti nga ay may meeting si daddy malapit doon kaya mabilis nya akong na sundo.

Alam mo ba pag uwi ko, pagkatapos kong mag-bihis. nagulat pa ako dahil pag baba ko nasa bahay si Asher. Niyaya daw kasi ni Kuya si Asher na mag laro ng computer games. Hindi ko alam kung paano sila nag kakilala.

Gustong gusto ko na bumuka ang lupa para lamunin ako dahil naka sando at boxer lang ako pag baba ko!! Hindi tuloy ako naka kain ng dinner dahil nag panggap nalang akong tulog na. Ayoko'ng kumain na nasa harapan ko si Asher.

Kung sino ka man na magiging boyfriend ko in the near future please remember this day! Andami kong katangahan na ginawa at pakiramdam ko pagod na pagod ako ☹️

Love,
Rana

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now