Chapter 10

46 2 0
                                    

"Rana"

I looked back and saw Asher walking toward ..

me.

My heart suddenly beat so fast. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa.
Nahihiya pa din ako sa nangyari nung isang araw sa bahay.

"Hey" naiilang kong sambit. Kailan pa tayo naging close?

"Let's date"

My jaw literally drop. What the hell he's talking about? Akala ko ba nakalimutan nya na yon.

"Stop fooling around Asher"

He grabbed my hand. "Let's go"

"Hey! Saan tayo pupunta? May pasok pa ako"

Patuloy lang sya sa pag lalakad at hindi nya binitawan ang kamay ko na hawak hawak nya ngayon. Hindi ko alam kung bakit kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Asher!"

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan nya at ipinasok ako sa loob. Hindi na ako nag pumiglas pa dahil wala naman syang balak na pakinggan ako.

"Nakakainis ka saan mo ba ako dadalhin? May pasok pa ako" Nag dadabog kong sabi.

"Bakit kapag sa iba pwede, saakin hindi?" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan ako nito "Pwede kang maki pag date sa iba pero saakin hindi?"

I can't find the right words to say. So he knew na I had a blind date that day. Pero ano bang pake nya?

"Ano bang meron sila na wala ako?"

"Ano bang sinasabi mo, Asher" Nag iwas ako ng tingin at humugot ng malalim na buntong hininga.

Saan ba nya hinuhugot ang mga sinasabi nya. Hindi ko sya maintindihan at wala akong balak makinig.

"Hindi ko alam kung hindi mo ba talaga alam o nag bubulag bulagan ka lang"

This time hindi na talaga ako naka pag salita. Tinitigan ko lang sya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito.

"May problema kaba Asher? Just get straight to the point. Wag ka ng mag paligoy ligoy. And please, you're not my boyfriend, you don't care kahit kanino pa ako maki pag date. Napaka mean mo"

"Get out of my car"

My jaw drop. Literally.

"Jerk" I said before I walked out.




"Alam mo ba pag uwi ni Asher kagabi, halos magdikit na ang kilay nya. Hindi din sya bumaba para kumain at naririnig ko na may parang nababasag sa kwarto nya. Hindi na ako pumasok dahil wala sila mommy at daddy. Baka mag away pa kaming dalawa"

Hindi ko din alam kung anong klaseng ugali ba meron si Asher. Hindi ko ma basa kung ano ba ang nasa isip nya minsan.

"Baka may naka away?" Sagot ko naman bago sumubo ang garlic bread na binili ni Penelope. Nasa gym kami ngayon para ma-nood ng game nila Trevor. Nakita ko si Cameron kanina nilapitan nya nga kami at binigyan ng tubig.

Sayang, akala ko pa naman si Cameron na ang para saakin. Nalaman ko kasi na may girlfriend na pala si Cameron.

May nililigawan pala sya. Ayos lang naman saakin, ako lang naman ang nag isip na baka may gusto sya saakin.

Napaka feelingera ko din minsan.

"Sa tingin mo ba Penelope may pinag dadaanan si Asher?"

"Alam mo, hindi ko din kase maintindihan si Asher. Kahit mag kasama kami sa isang bubong hindi naman kami madalas mag usap"

Minsan hindi ko maiwasan na malungkot, para saakin kasi kinulang sa atensyon at pagmamahal si Asher galing sa magulang nya.

Ayoko ng i-kwento kay Penelope ang nangyari noong isang araw.

"Kumusta pala si Kiyo?"

Araw araw pa din akong pinapadalhan ng mga messages ni Kiyo. Minsan niyayaya nya pa din ako lumabas, hindi ako maka sama dahil sobrang daming ginagawa sa school ngayon. Iniisip nya nga na nagalit daw ako dahil hindi nya ako naasikaso nung isang araw.

"Okay naman siya. He's kind and bubbly"

"May chance ba?"

Natawa ako. "He didn't even say na he likes me"

Hinampas ako sa braso ni Penelope "Siraulo ka ba! Napaka manhid mo! Hindi ka kukulitin nyan araw araw kung hindi ka nya gusto. Nako Rana! Kaya siguro hindi ka nag kaka boyfriend! Ang slow mo girl"

Ngumuso ako.

"Okay naman si Kiyo kung sya ang magiging boyfriend ko. Gwapo, mabait at he's from a wealthy family. Joke lang!"

I'm just going with the flow. Whatever happen, happens.

"Sayang, I like Asher pa naman for you"

Napa iling na lamang ako.

Pag labas namin ng university, naka tayo ulit sa tapat si Kiyo at mukhang hinihintay na naman ako. Hindi sa pagiging feeling pero parang ganon na nga.

"Hey" tawag nito saakin.

Ngumiti ako at lumapit sakanya. "Hinihintay mo ba ako?"

He smiled and gently tap my head. "Babawi lang about last time"

"Ano kaba! You don't need to! Sabi ko naman sayo na okay lang."

"Let's go?"

He open the door for me and he drove the car.

This time sa isang branch kami ng steak house nila pumunta. Just like the other store, madami din ang kumakain but hindi rush hour ngayon kaya na hahandle naman nila.

"Take your sit"

I smiled. Feeling ko pulang pula din ang mukha ko. Kung ganito pala ang feeling ng mag ka boyfriend. Gusto ko na.

Ang landi mo Rana!

"What would you like to eat? I'll cook it for you"

"Really?"

"Then, I'll have steak with gorgonzola sauce"

"Okay. I'll prepare it for you. Give me a minute" he said.

While waiting binigyan ako ng appetizer ng isa sa mga crew dito ni Kiyo. Pakiramdam ko isa akong princess charot.

After almost 30 minutes natapos din si Kiyo. Nilagay nya sa table ang mga niluto nya.

Sobrang nakaka touch naman. Ngayon lang may gumawa nito para saakin.

"Thank you!"

"Enjoy your food" Naka ngiting sambit nito at umupo na sa harapan ko.

"Masarap ba?"

He's waiting for my answer.

Ngumiti ako at nag thumbs up. "Super!! I like it! Grabe! Ang galing mo magluto!"

I'm telling the truth. Ang sarap grabe. The best.

"I'm actually scared of your reaction. I thought you don't like it"

I chuckled. "I like it. Thank you!"

"You're always welcome"

"How's your studies?"

"When will you graduate?"

"And where do you plan to work?"

Natatawa akong tumingin sakanya "Wait lang, pwede bang isa isa lang?"

Ang saya lang dahil super comfortable na namin sa isa't isa ngayon.

"I'll graduate this summer and I'm planning to work maybe in Canada"

"So you'll work abroad" malungkot na sambit nito

"I'm just kidding! Wala pa akong plans about that. I'll think about it maybe after I graduate"

"I know this is so fast, Rana. But I'll ask na din dahil nandito kana din naman."

He take a deep breath "Can I court you? I'm serious about you. I just can't take you out of my head after our first meet"

I'm speechless.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon