Chapter 13

45 2 0
                                    

"Kuya"

"What?" Masungit na sagot nito.

"Ang sungit"

"Tawag ka ni lola"

Tumayo sa pag kakahiga si Kuya Liam "Bakit daw?"

Nag kibit balikat ako. "Hindi ko alam"

"Wala pala sila mommy at daddy may binili" Dagdag ko pa bago ko ako lumabas sa kwarto na tinutulugan nya.

Sumasakit na ang katawan ko kakahiga mag hapon at ang mga mata ko sa pag babasa ng libro.

Gustong gusto kong tawagan si Penelope para i kwento lahat sakanya ang nangyayari saakin dito pero hindi ko magawa dahil walang signal dito.

Napaka tamad naman ni Kuya Liam dahil ayaw nya ako samahan lumabas. Ano pa't naparito kami kung hindi naman nya susulitin.

I mean its a vacation so I think we need to enjoyed it right? Don't get me wrong masaya naman ako na naka pasyal kami kina lola at pumitas ng mga prutas sa Hacienda nila but I still want to see kung ano ba meron sa labas ng probinsya na to dahil matagal tagal na din nung huli kaming pumunta dito.

"Rana"

Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ng pinto si Lola Sahara.

"Po?" Magalang kong sagot.

"May bisita ka sa baba"

Hindi ko maiwasan na hindi itaas ang aking kilay. Bisita? Sinong bisita?

"Ako po?" Paninigurado ko

Hindi alam ni Penelope ang lugar na ito at wala din akong natatandaan na kaibigan dito.

"Nasa ibaba sya iha. Hinihintay ka"

Dali dali akong bumaba at laking gulat ko dahil si Asher ang nakita ko sa sala.

"Anong ginagawa mo dito?"

Paano sya naka dating dito?

"Liam asked me to come"

"What? At bakit mo naman tinotoo?"

Pinanlakihan ko ng mata si Kuya Liam "Kuya!"

"Mom asked me to call him" depensa nito.

"Papatayin mo talaga ako ng wala sa oras Liam Sebastian"

"Mahaba ba ang byahe?" Tanong ni daddy kay Asher na kasalukuyang kumakain ngayon.

Hindi talaga ako mapakali dahil sakanya. Ano bang meron kay Asher at lagi nalang sinasama ni Kuya kahit saan kami pumunta?

At mukhang comfortable na din si mommy at daddy sakanya.

"Hindi naman po." Sagot nito.

"Nagsabi kase si Liam na may Hacienda din daw kayo dito?" Tanong ni mommy kay Asher. Nalilito akong tumingin sakanya.

At talagang close na close na sila ni Kuya Liam ngayon ah. Ay hindi na ako magtataka dahil parehas nga pala sila ng ugali.

"Opo meron po."

What a small world *insert sarcastic tone here ghad.

Gustong gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Mali, gusto ko na palang umuwi.

"Isama nyo si Rana kapag lalabas kayo dahil alam ko na bagot na bagot na sya dito sa loob ng bahay." Pagbibiro ni Lolo.

Gusto kong sumigaw ng 'ayoko'

Nahihiya akong tumingin kay Lolo Zeus "Hindi naman po. Masaya po ako kapag nandito po ako, lolo"

Lolo Zeus gently tap my head "Mabuti naman. Akala ko ay gusto mo ng umuwi"

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now