Entry #3

67 4 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nagyaya pumunta si Kuya Liam sa mall kanina para bumili ng mga damit nya. Ayoko nga sana syang tulungan dahil naiinis ako sakanya.

Bigla nya kasi sinabi na ililibre nya daw ako ng isang bag kaya pumayag na ako. Alam mo ba na buraot kasi si Kuya, kaya I grab the opportunity.

Hindi naman ako mahilig sa materyal na bagay. Pag mamahal mo lang sapat na. Yieks. Corny ba?

Kailan ka ba darating? Sasamahan din kita mamili ng damit kung sakali. Ang saya siguro no? Na may makasama na mamili ng damit. Nag sasawa na ako kay Penelope at Kuya charot.

Habang naglalakad kami sa mall kanina ni kuya nakita ko si Asher na may kasamang babae. Nag tago nga ako dahil baka kapag nalaman nya na nakita ko sya bigla nalang nya akong awayin. Iisipin nya na mag susumbong ako kay Penelope.

Sorry ah. Kung lagi nalang si Asher ang bukang bibig ko sa nakaraang araw. Hayaan mo, mahal naman kita.

Love,
Rana

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon