Chapter 2

70 4 0
                                    

"Gusto mo bang sumama mamaya saamin? Double date"

Ngumuso ako "At sino naman ang ka date ko?"

"I-sasama ni Trevor ang kaibigan nya. Baka magustuhan mo. Yiee. Alam mo ba excited na din ako na mag ka boyfriend ka para lagi tayong double date!"

"Ay--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang ibinagsak ni Asher ang pinto.

Nandito kasi ako kina penelope ngayon. Nagpatulong syang gumawa ng mga cookies at cupcake na ibibigay nya kay Trevor.

"Problema nun? Naka topak na naman"

Hindi ko alam kung bakit, bigla nalang akong kinabahan. Ayaw ba ni Asher na nandito ako sa bahay nila? Naiingayan ba sya saakin?

Hay nako Asher Jameson Granger

"Tapusin na natin to, baka hinahanap na din ako ni mommy" Palusot ko.

"Basta bukas ah, sumama ka! Mag tatampo ako kapag hindi ka sumama"

Napa kamot ako ng batok "Hindi ba nakakahiya?"

Hinampas nya ako sa may braso "Hindi no! No girlfriend since birth din ang kaibigan ni Trevor! Kung hindi ako nag kakamali Cameron ang pangalan nya"

"Hindi paba kayo tapos?!" May halong inis na tanong ni Asher.

"May mens kaba? May sumpong ka na naman" pang aasar ni Penelope sakanya na mabilis nitong ikinasimangot.

"Aalis na ako Penelope. Kanina pa tumatawag si mommy"

"Hala? Uuwi kana nga? Asher paki hatid naman si Rana"

"Naku! Wag na! Sa kabilang kanto lang naman ako"

Please lang penelope. Ayokong maka sama si Asher. Baka madapa pa ako sa sobrang kaba sa daan dahil sakanya.

"No. Pahahatid na kita sakanya"

Hindi ako sumagot, kinuha ko ang nag ko at lumabas na.

"Wait for me"

Halos manigas ako sa aking kinatatayuan dahil sumama talaga saakin si Asher.

"You don't need to come with me. I'm okay."

He just stared at me.

Itinaas ko ang aking kanang kamay "Promise! Kaya ko na mag isa"

Nilagpasan lang ako nito at nauna ng naglakad saakin. Kaya wala akong choice kung hindi hayaan syang i-hatid ako. Baka kainin nya pa ako ng buhay kapag pinilit ko pa yung gusto ko.

Bakit pakiramdam ko ang layo ng kabilang kanto?

"SHIT!" Tumakbo ako papalapit kay Asher at humawak sa braso nya dahil sa pusa na bigla nalang tumakbo papalapit saakin.

"I'm sorry!" Mabilis akong lumayo sakanya.

"Bagay ba?" Tanong ko kay Kuya sa suot kong kulay pink na Puff Dress.

"Saan ka pupunta?"

I smiled "May date ako"

Nagulat ako dahil bigla nalang nya akong kinutusan sa ulo.

"Aray! Napaka sama mo talaga!"

He glared at me "Isusumbong kita kay daddy!"

I stick my tongue out "Nag paalam na ako kay daddy!"

Padabog itong lumabas sa aking kwarto.

"Dad!!!" Rinig kong sigaw nito sa ibaba.

Napa iling na lamang ako. Pakiramdam ko kaya hindi ako nag kaka boyfriend dahil kay Kuya.

Dear Future BoyfriendWhere stories live. Discover now