Chapter 3

59 3 0
                                    

"Mommy punta lang po ako sa supermarket"

"Liam samahan mo ang kapatid mo sa supermarket."

Kuya rolled his eyes "Kaya na nya mag isa mommy. Naki pag date na nga po yan eh"

Kainis. Kung pwede ko lang itapon sa ilog si kuya matagal ko ng ginawa.

"Liam Sebastian" Napa ayos ng upo si kuya dahil sa pag tawag ni daddy sakanya.

I stick my tongue out. Kuya glared at me.

"Yes dad. Mag papalit lang po ng damit"

"How's your date? Naka simangot kang umuwi kagabi"

Nag iwas ako ng tingin at ininom ng gatas na itinimpla ni mommy.

"Sumakit po kasi yung tyan ko kagabi dad" pag sisinungaling ko

Naiinis pa din ako hangga ngayon kapag naaalala ko ang ginawa ni Asher.

May lakas ng loob pa talaga syang i-text ako.

Kulang ba sya sa pag mamahal? Masyadong papansin.

"Remember know your limits."

I smile and nod my head. Mommy smiled at me too and mouthed "It's okay"

Pagbaba ni kuya naka simangot ito. Ayaw na ayaw nya talagang sinasamahan ako dahil napaka tagal ko daw mamili.

"Alis na po kami"

"Mag iingat kayo. Drive safely okay?" Paalala ni mommy kay kuya. I kissed mom and dad bago ako lumabas.

"Istorbo ka talaga" reklamo agad ni kuya pag labas nya.

"Gusto mo bang isumbong kita kay daddy? Nagrereklamo ka na naman" pananakot ko sakanya.

"Don't you dare."

Ang sarap lang talaga minsan asarin ni Kuya liam. Mabilis kasi syang mapikon. Sabi nga nila pikon talo.

"So tell me, who's the guy?"

"Kailan kapa naging chismoso?"

He act like he was going to smacked my head.

"You know him"

He looked at me "Who?"

"It's Cameron"

"Anderson?" Tanong pa nito.

I slightly nod my head.

"He's a good guy"

"But I won't let him court you" he added.

Napanguso nalang ako sakanya.

Pag gising ko bigla ko nalang naisip na mag bake ng cookies, gumawa ng tarts at candies para kay Cameron. Gusto kong bumawi sa ginawa ko sakanya. Ayoko'ng isipan nya na kaya ako biglang nawala dahil ayoko syang kasama.

"I'll buy some ingredients lang. Kung may bibilhin ka bilhin mo na. I'll text you nalang pag katapos ko"

Hindi ito sumagot, naka pamulsa itong lumayo saakin. Kahit kailan talaga. Hindi ko nga alam bakit may nag kaka gusto dyan.

Pagkatapos kong kunin lahat ng kailangan ko pumunta na ako sa counter para mag bayad.

Laking gulat ko dahil nasa harapan ko si Asher ngayon.

Naka pila sya para mag bayad ng mga binili nya. Nagulat din ito saakin pagkakita nya. Mamulu mula ng batok at tenga nya.

Napa irap ako. Gustong gusto ko syang batukan ngayon.

"You go first" He said

I rolled my eyes. Bigla nalang nawala yung takot ko sya at napalitan lahat ng inis.

"No thanks" I answered.

Don't talk to me. Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko charot. Hindi naman ako ganon ka mean. Ayoko lang talaga sya makita at maka usap ngayon. Naiinis pa din ako sa ginawa nya.

"You'll bake?"

Don't talk to him Rana. Act like you didn't hear him.

Grabe bakit ba kase sobrang haba ng pila ngayon.

Dahil siguro hindi ko sya pinapansin hindi na ako nito kinulit.

"2020 po sir" rinig kong sabi ng cashier sakanya.

"Wala po kayong 20 pesos sir?"

"Uh-oh. Do you have 20 pesos?" Tanong nito saakin at halatang nahihiya pa.

Gusto ko talaga syang tarayan kahit ngayon lang.

Para matapos na sya at umalis na sya sa harapan ko binigyan ko sya ng bente.

"Thanks. I'll send it to you nalang through gcash" He said.

"No need." I answered.

Sayo na ang bente ko basta lubayan mo lang ako at huwag na kausapin. Ang sama ko ba?

Pero nakakairita naman talaga sya 😩

"1,898 po ma'am"

I gave 2000 pesos to her and said "Keep the change nalang po"

The girl in the counter smiled at me and say thank you.

I called kuya for 3 times already but he's not answering his phone. Sobrang bigat pa naman ng mga binili ko.

"I'll help you"

Akala ko umalis na to?

"No, Kasama ko naman si kuya. Papunta na sya"

I'm not looking at him. Ano bang trip nya?

"Are you sure?"

I nod my head.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si kuya na naglalakad papalapit saakin.

"Tapos kana?"

"Oo kanina pa. Nakakainis kanina pa kita tinatawagan"

"Nasa sasakyan phone ko"

Napa iling na lamang ako. "Tara na"

Habang pauwi kami bigla nalang tumunog yung phone ko at naka received ako ng message galing sa gcash.

You have received PHP 1000.00 of GCash from Asher Kayden Thompson 0926*******

What the hell?

From: Asher Evil 👿👿

I already sent the payment. Thanks.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon