Entry #17

38 2 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Dapat yata palitan ko na to dahil may boyfriend na ako! Yie! Yes! You read it right! Sinagot ko na si Kiyo.

And I'm so happy.

Ganito pala ang feeling na magkaroon ng boyfriend.

Araw araw akong pinupuntahan ni Kiyo sa university na may dalang flowers. 🤗
Minsan nahihiya na ako kapag may nakakakita saakin na may bitbit na bulaklak.

Pero ano bang magagawa ko? Sobrang sweet ng boyfriend ko.

Grabe, nangingilabot pa din ako kapag sinasabi ko yung word na 'boyfriend'

Sa susunod na entry ko, papalitan ko na to ng Dear Boyfriend.

Kiyo, gustong gusto na kitang ipakilala kila daddy at mommy. Humahanap lang ako ng tamang panahon.

Gusto ko din sa tamang panahon ay mabasa mo ang diary ko.

Nalulungkot ako para kay Asher dahil hindi na nya ako kinakausap ngayon. Kahit na makita nya ako sa daan, sa cafeteria, sa mall. Hindi na ako tinatapunan ng tingin ni Asher.

Kahit naman na mahirap sa part ko, kung makakatulong naman sakanya para kalimutan ako, tatanggapin ko na hinding hindi na kami magiging okay ni Asher. I always want the best for him.

Hayyy. I am really so happy but the thought of him makes me really sad.

Love,
Rana.

Dear Future BoyfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin