Chapter 9

41 2 0
                                    

"Kumusta ang blind date mo anak?"

Na-tigilan ako sa pag subo ng kanin dahil sa naging tanong ni mommy. Kitang kita ko din ang tingin ni Kuya Liam at daddy na nag hihintay ng sagot ko.

Bakit kung kailan isang linggo na ang lumipas tsaka nila na-isipan na mag tanong?

Ngumiti ako at napakamot ng batok "Okay lang po mommy. We're getting to know each other po"

I can hear Kuya Liam smirked. "May time kapa mag date? Andami mo ngang exam" singit nito.

"At nililigawan ka ni Cameron hindi ba?" Dagdag pa nito.

"He's not courting me!" Mabilis kong sagot. Totoo naman. Hindi ako nililigawan ni Cameron at mukhang wala syang balak. Sayang akala ko sya na ang magiging boyfriend ko. Umasa pa naman ako.

Natawa si daddy at marahang tinapik ang balikat ni Kuya.

"Stop doing that okay? Let your sister enjoy her life"

Kuya pout his lips. Hindi ko alam kung bakit pero pag dating saakin hindi ganon ka higpit si dad pero alam ko naman na alam nya na hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakapahamak ko.

"As long as you both know your limits. We'll support you okay?" Mom said.

"Pumasok ba si Asher?"

Mabilis na lumingon saakin si Penelope. "Uy bakit mo hinahanap?"

Nag iwas ako ng tingin at mabilis na pumasok cafeteria.

Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan dahil nasa loob ng cafeteria si Asher. Napa hawak ako ng mahigpit sa hawak kong paper bag na may laman na polo shirt. Naisipan kong palitan ang damit na na dumihan ko noong isang linggo.

"Asher" I called his name but he didn't look back. Patuloy pa din sya sa pagsubo ng pagkain.

"Asher" This time tumingin na sya saakin, at sobrang cold ng tingin nya.

I bite my lower lips. "This"

Ibinaba ko sa mesa nya ang paper bag.

"I'm really sorry about what happend last time, Asher. I didn't mean to spilled my drinks sa shirts mo. I hope you'll forgive me"

"Then, date me"

Nanlaki ang aking mga mata "What?" Pasigaw kong sambit kaya napalingon saamin ang iba.

Mabilis akong umupo sa tabi nya at nag takip ng mukha.

"Date me and I'll forgive you"

"I'm serious" he added.



Nagulat ako dahil pag labas ko ng university nasa labas pala si Kiyo. Tumabi ako sa gilid para hindi nya ako makita agad.

"Grabe, ang gwapo nya" Rinig kong sambit ng mga nakaka kita sakanya.

Napa kamot ako ng batok. Sinusundo ba nya ako? He didn't say anything. Pakiramdam ko tuloy pulang pula ang mukha ko.

Hindi pa nga ako naka pag move on sa sinabi ni Asher. Kay Kiyo naman ngayon.
Gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.

"Rana!" Sigaw nito saaking pangalan. Ngumiti ako at lumapit sakanya.

"Uy anong ginagawa mo dito?" Parang tangang tanong ko kahit alam ko naman kung bakit nandito sya.

"Gusto sana kitang yayain kumain sa labas" Nahihiyang sambit nito.

Kung hindi lang dahil kay Asher malamang kanina pa ako kilig na kilig dito.

Nakakainis. Hindi ko alam kung inaasar lang ba nya ako o seryoso talaga sya.

"Okay" I answered.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Kiyo, bago ako pumasok sa sasakyan lumingon lingon ako at laking gulat ko dahil palabas na si Asher, dali dali akong pumasok sa loob ng sasakyan at isinara ang pinto.

"Naiinitan kaba? Pinag papawisan ka"

Nakakahiya! Pull yourself together Rana!

"I'm sorry amoy pawis na ba ako?"

He chuckled "No, that's not what I mean. By the way, thank you for coming with me"

Wait, san nga ba kami pupunta? Sumakay nalang ako bigla without knowing kung saan nya ako dadalhin.

"Saan nga pala tayo pupunta?" Nahihiyang tanong ko.

"We open another resto near cavite and I want you to check it out. Kung pasok ba sa taste mo ang mga food namin"

"I'm excited" naka ngiting sagot ko.

"I'm really sorry for not replying to your messages last time. Sobrang busy lang kase sa school" dagdag ko pa na sinuklian nya naman ng isang ngiti.

"It's okay. I understand. Sorry baka nakulitan ka saakin"

"Hindi naman!"

Pag dating namin sa Resto na sinasabi ni Kiyo, sinalubong sya ng mga staff nya and I'm telling you kahit kaka open lang sobrang daming tao!

It's a steak house by the way.

"Sir, we're running out of tables and chairs. Sobrang daming tao pa po sa labas"

He's right. Andami pang naka pila sa labas.

"I'm sorry I didn't know na ganito kadami ang taong darating."

"No, its okay. I can wait naman." I smiled. I assured him na okay lang saakin na mag hintay sa tabi.

Nakakahiya naman sa mga taong nasa labas na mukhang kanina pa nag hihintay.

Nagulat ako dahil bigla nalang hinawakan ni Kiyo ang kamay ko at hinatak ako papasok sa isang room na sa tingin ko ay ang office nya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hawak hawak nya lang naman ang kamay ko. Ganito pala ang feeling.

"Can you wait for me here? Wala na kasing available na table sa labas. Sorry, nahihiya talaga ako sayo"

"Hey, it's okay ano kaba! Don't mind me"

"Just a sec." Iniwan nya talaga ako sa loob ng office nya, dahil siguro bago palang wala pang masyadong laman ang office ni Kiyo. I saw a pictures of him and his family. You won't even think na isang office ito dahil sobrang daming libro. Yes, may book shelve sa loob.

"I was right. He came from a wealthy family."

Kiyo's father is Tita Amara's business partner kung hindi ako nag kakamali. I saw him when Tita Amara threw a company party sa isang resort malapit sa bahay.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay nagtatrabaho dito. May bitbit na pagkain.

"Pinapadala po ni sir" inilapag nila iyon sa mesa na nasa harapan ko.

"Thank you"

Grabe, parang pakiramdam ko nasa isang VIP room ako. Libre na nga ako nakaka istorbo pa ako sakanila.

Umuwi na kaya ako?

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon