Kabanata 4: Paghanga o Pag-ibig?

39 6 6
                                    

[Kabanata 4: Paghanga o Pag-ibig?]

"MAAARING isa itong tula ng paghanga o pag-ibig."

Napabalikwas si Louisa mula sa kaniyang kinahihigaang kama. Napakamot siya sa kanyang ulo matapos niyang umupo at napabuntong hininga sa kawalan. Kanina pa siya nakatulala sa kisame na maaring bumigay na kung patuloy niya iyong tititigan.

Hindi mawala sa kaniyang alaala ang teorya kanina ng kaniyang ate Francisca bago maputol ang kanilang usapan at yayain ng kanilang ina para sa hapunan.

"Pag-ibig? Paano nangyari iyon?" tanong ni Louisa sa sarili. Parati niya iyong ginagawa sapagkat wala naman siyang makausap pagdating sa kaniyang personal na suliranin. Sinubukan na niya noong magbukas ng saloobin sa ina ngunit parating nabablanko ang kaniyang isipan.

"Maari lang naman na paghanga lang iyon. Ngunit, sa paanong paraan? Dahil ba sa narinig ng ginoong iyon kagabi ang pananaw at pagiging determinado ko sa pangarap?" tanong muli niya sa sarili na parang nahihibang na. Tumayo siya sa kinahihigaan at lumakad patungo sa nakabukas niyang bintana ng silid. Maliwanag pa rin ang buwan ngunit hindi na tulad noong isang gabi.

"Buwan, sa tingin mo, ano ang ibig iparating ni Leon sa tulang iyon? Sino ba siya? Ano siya sa likod ng kaniyang mga salita?" nakatitig lang si Louisa sa buwan na ngayon ay pinalilibutan ng mga bituin na tila ang mga ito ay ang tagapagbantay ng natatanging bagay na mas lumiliwanag sa kadiliman.

"Hay! Ginugulo ni ate Francisca ang aking isipan," saad niya saka humalumbaba sa dulo ng capiz. Ang mga sinaad niya ang nagpatigil sa kaniyang pag-iisip. Napapikit siya sa ideyang pumasok sa kaniyang isipan na ginugulo rin ni Leon ang kaniyang pag-iisip.

"Magkikita pa kaya kami?" nanlaki ang mga mata ni Louisa sa kaniyang mga tinuran. Hindi niya inaakalang lalabas mula sa kaniyang sariling bibig ang mga salitang iyon.

"N-nagkakamali ka ng iniisip, buwan. Ang ibig kong sabihin... nais ko siyang mas makilala pa, dahil sa hindi ako nagtitiwala kung kani-kanino. Gusto kong malaman kung sino talaga siya at ano ang mayroon sa mga salita niya!" dipensa ni Louisa na tila kaibigan niya ang buwan na maaaring ipagsabi ang makahulugan niyang sinabi kanina.

Lumingon si Louisa sa tukador na tinatamaan ng sinag ng buwan kung saan naroroon nakapatong ang papel na naglalaman ng tula. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nilalaman niyon.

Sa tuwing naalala niya ang mga bawat taludtod na naglalaman ng pagpuri at pagdadakila sa kaniyang katauhan na inihalintulad sa rosas na namumukadkad sa dilim kaakibat ng lumiliwanag na buwan ay nagdudulot iyon ng hindi niya maipaliwanag na naramdaman.

"Ibig ko ring itanong sa kaniya kung ano ang pinupunto ng kaniyang tula. Kung paghanga ba iyon o pag-ibig."





MAAGANG nagising sina donya Corazon at Francisca para sa paghahanda ng agahan na kanilang pagsasaluhan nila mamaya. May bisita ang mansion ng mga Villanueva kung kaya't hindi hamak na mas marami ang kanilang agahan ngayon. Mga piniritong itlog, talong, tuyo at pandesal na sinamahan pa ng gatas ng kambing at kalabaw ang hinahanda nila.

"Ina, maari ko ba kayong makausap ng masinsinan?" biglaang tanong ni Francisca matapos niyang kunin sa imbakan ng mga pampalasa at alak ang tatlong bote ng gatas. Inilapag niya ito sa sentro ng lamesa ng kusina kung saan nagsasaing ng kanin sa pugon nila si donya Corazon.

"Ano iyon, anak?" tanong donya Corazon saka hinaharap ang anak na ngayon ay sinesenyasan ang mga serbidora na magtungo muna sa hapag upang tulungan ang iba para sa paghahanda. Batid naman nila na pribadong usapan iyon kung kaya't agad silang sumunod dito.

Napatikhim ang donya sa ginawang iyon ni Francisca. Batid niya rin na kapag nais ng panganay niyang anak na silang dalawa lang ang nasa isang silid ay seryoso ang kanilang pag-uusapan. Kilala niya itong pormal at seryoso sa mga bagay-bagay kung kaya't wala siyang duda na ipangalan nila rito ang pangalang hango sa pangalan ng kaniyang asawa.

Guhit, Sukat at TugmaWhere stories live. Discover now