Kabanata 12: Kapag Ika'y Handa na

34 5 0
                                    

[Kabanata 12: Kapag Ika'y Handa na]

"NARITO ang disenyo ng buong kabahayan, ginoong Simion," iniabot ng isang may katandaang lalaki na nakasuot ng pormal na kasuotan ang nakarolyong makapal na papel kay Simion na naglalaman ng disenyo sa pagpapaayos at pagbabago ng kabuoan ng mansion. Kinuha niya ito at binuklat.

Kinilatis niya ang disenyo at napansin niyang wala gaanong pinagbago ang kabuoan ng dati nilang tahanan. Puro mga pinto, pasimano, bintana at ang nag-iisang silid-aklatan lamang ang bahagyang binago.

"Wala kami gaanong binago sa lahat ng silid, maliban na lamang sa silid-aklatan sa unang palapag. Mas palalakihin namin iyon at bubuwagin ang pader na humahati sa dating imbakan ng gamit na katabi," salaysay pa nito. Siya ang kilalang agbarog na sinasabi ni don Armando. Masasabi ni Simion na mahusay nga ito gaya ng sinabi nito noong isang araw na sila ay nagpulong.

"Kung gayon, kumpleto na ang mga manggagawang inaasahan?" tanong ni Simion saka nirolyo muli ang hawak at lumingon sa agbarog na kausap. Tumango ito sa kaniya. "Noong miyerkules pa kami nagsimula. Ngayong ikalawang araw ay natitiyak kong nakapagtalaga na ng mga maggagawang umaabot sa bilang na veinticinco,"

Napabuntong-hininga naman si Leonardo sa usapang iyon ng dalawa. Ngunit hindi siya interesado sa mga bagay na pinag-uusapan ng dalawa. Wala siyang magagawa kundi ang sumama na lamang kay Simion kaysa sa maburyo sa loob ng kanilang bahay-panuluyan.

Wala naman siyang sadya sa Angeles kundi ang makahanap lang ng pagkakataon upang umamin kay Louisa. Ngunit ngayon ay tila wala na siyang balak na isambulat pa ang nararamdaman para sa dalaga.

Pinagmasdan niya ang paligid, masaya siya dahil ang dati nilang mansion ang binili ng kanilang ama sa Angeles. Naalala niyang ibinenta ito noon ng kanilang ama mula nang pumanaw ang kanilang ina. Batid niyang labis pa rin ang pagdadalamhati nito sa kaniyang ama. Hindi niya inaasahan na napunta ang titulo ng tahanan at lupa sa poder ni don Armando.

Naglakad-lakad na lamang siya. Nakita niya ang ilang maggagawa sa paligid na panay ang pag-alis ng mga lumang capiz sa bintana. Nilingon niya ang nakatatandang kapatid at nakita niyang abala pa ito sa pakikipag-usap sa agbarog kung kaya't napagdesisyunan niya munang maglibot-libot kahit na nababalot ng mga alikabok ang paligid na lumilipad patungo sa suot niyang tyalekong itim.

Maya-maya pa'y tumungo siya sa hagdan na may kalakihan at gawa iyon sa kahoy na binalutan ng barnis upang hindi agad mabulok. Sa bawat pag-apak niya sa dati nilang mansion ay unti-unting bumabalik sa alaala niya noong kabataan kung paano siya naging makulit sa kaniyang ina sa tuwing pinapaligo, pinapakain at pinipilit na magbasa ng mga aklat na hango sa wikang Espanyol.

Napapangiti siya sa sarili habang hinahaplos ng kaniyang kamay ang pasimano ng hagdan paitaas. Kung nabubuhay lamang ang kanilang ina ngayon, hindi ito makapapayag na tumira sila sa Tondo. Sana'y hindi na sila umalis pa rito at namuhay ng masaya.

Nang makasapit siya sa ikalawang palapag ng mansion ay bumungad pa rin sa kaniya ang maalikabok na paligid. Hindi niya alintana ang ilang trabahador na nagaalis ng mga sirang pintong nilipasan na ng panahon. Nilibot niya ang paningin. Nakikita niya ang tatlong silid sa kanan kung saan sa ginta noon ang kaniyang silid at sa magkabila ay ang silid ng kaniyang kuya Simion at kuya Andres.

Nilingon niya ang kaliwang bahagi ng pasilyo. Naroroon ang tatlo pang silid. Ang malapit sa hagdanan ay ang silid ng kanilang ama at ina. Ang ikalawa ay ang silid ni Romeo sapagkat parati itong umiiyak dahil takot itong mawalan ng kasama sa bahay sa pag-aakalang mayroong multo sa mansion.

Ang ikatlo sa dulo ng pasilyo ay ang maliit na silid-paaralan nilang apat. Doon sila natuto ng pagbabasa, pagsusulat at paghahasa ng kani-kanilang talento noong mga bata pa sila sa tulong ng kanilang ina at ama sa tuwing ito ay walang trabaho sa linggo. Napangiti siya sa mga alaalang nakapaloob doon. Walang makapapantay na salapi ang mga alaala nilang masaya at kumpletong pamilya noon.

Guhit, Sukat at TugmaWhere stories live. Discover now