Kabanata 6: Pangarap

41 5 29
                                    

[Kabanata 6: Pangarap]

"SA unang pagkakataon, siya ba ang nilalaman ng iyong puso?" tanong ni Manuelo habang nakatitig diretso sa natigilang si Leonardo. Natahimik din si Gregorio saka humikab at nagkamot ng kaniyang namumulang matangos na ilong. "Matagal pa ba iyan? Inaantok na muli ako,"

Nabasag ang ilang minutong katahimikan dahil sa sinaad ni Gregorio. Napabuntong hininga si Manuelo, "Mamaya na, kailangan nating gisahin sa sariling mantika itong si Leon," dahil doon ay napalunok si Leonardo. Ang akala niya ay makatatakas siya sa katanungang iyon ng kaibigan. "Amigo?" Mapanuyang tanong ni Manuelo na nagdulot sa kaibigan niya ng matinding kaba.

"K-kaibigan ko lamang siya," nauutal na wika ni Leonardo bilang tugon. Lumingon siya sa kwaderno na hawak at isinara iyon nang tignan iyon ni Manuelo habang tumatango-tango sa kasagutan niya. "Kaibigan ba talaga o ka-ibigan? Bihira ka lamang gumawa ng tula sa hindi mo kilalang tao. At isa pa, madalas kang gumagawa ng tula sa gitna ng gabi kapag masaya ka, nalulungkot o namamangha. Maari ring umiibig,"

Saad ni Manuelo saka tumango-tango muli sa kawalan habang si Leonardo naman ay nakatitig lang sa kwaderno. Kilalang-kilala siya ni Manuelo dahil maging silang dalawa ni Gregorio ay humahanga sa kaniya sapagkat kakaiba at natatangi ang kaniyang talento sa paggawa ng tula.

Tingin nila, si Leonardo na ang pinakamagaling na manunula sa buong mundo. Suportado nila ito sa ginagawa kahit na batid nilang tutol ang ama nito sa nais tahaking landas ng kanilang kaibigan.

"Siya ba ang dahilan ng masaya mong bakasayon? Saan mo siya nakita?" tilala nananabik na tanong ni Gregorio saka dumapa sa kama ng Leonardo. "Hindi. Gumawa lang ako ng mga tula buong bakasyon. Nakita ko siya noong bumili ako ng bagong pluma sa La Librería," dahilan ni Leonardo.

"Bakit nasa iyo ang kaniyang abaniko? Hindi ba't mag-asawa lamang ang maaring magbahagi ng kani-kanilang gamit sa isa't isa?" tanong muli ni Gregorio saka ipinatong sa gitna ng kama ang abaniko na pinaglalaruan niya kanina.

Tumayo na siya sa pagkakadapa habang mataman na tinitigan ang kausap. "Naiwan niya iyan sa akin," palusot ni Leonardo at nang lumingon siya sa dalawang kaibigan ay nakita niya ang pagguhit ng gulat sa mga mukha nito.

"Iniwan upang may dahilan sa muling pagkikita?" tanong ni Manuelo.

"O iniwan upang may alaala sa huling pagkikita?" sarkastikong tanong naman ni Gregorio habang nakangisi.

"N-nagkakamali kayo. Ang totoo niyan, dinaanan niya ako kanina rito sa tapat ng dormitoryo upang kumustahin. Nang umalis na siya, naiwan niya iyan,"  dahilan ni Leonardo habang umiiling saka itinuro ang abaniko. Tumango-tango naman ang dalawa habang may makahulugang ngiti. Napalamukos si Leonardo ng kaniyang mukha dahil sa dalawang kaibigan.

"At itong tula na ito, hindi ito sa k-kanya." patuloy ni Leonardo saka napalunok ng laway dahil tila ipinagkakanulo siya ng kaniyang dila dahil nautal siya sa huling salitang sinabi. Akmang kukunin sana ni Manuelo ang kwaderno nang kunin agad ito ni Leonardo saka tumayo sa kinauupuan at singbilis ng kidlat na tumungo sa tabi ng bintana.

"Bakit hindi mo pinapakita sa amin? Tungkol ba saan ang tulang ginagawa mo kanina? Kay binibining Louisa ba?" tanong ni Manuelo. Napabuntong-hininga na lang si Leonardo dahil sa tingin niya ay hindi titigil sa kakatanong ang mga kaibigan niya hangga't hindi niya sinasabi ang mayroon sa tulang ginawa niya at sa may-ari ng abaniko.

"T-tungkol ito sa... Pangarap. Sinabi ko na sa inyo, kaibigan ko lamang si binibining Louisa. Isasauli ko na itong abaniko sa kaniya kapag napagawi muli siya rito." sagot ni Leonardo saka napatingin sa nakabukas na bintana. Nang mabanggit niya ang salitang pangarap ay napalalim ang kaniyang iniisip. Sa tingin niya, isa rin sa mga pangarap niya ay ang mapalapit sa binibining sinisinta.

Guhit, Sukat at TugmaWhere stories live. Discover now