Kabanata 9: Damdamin at Hangarin

24 4 1
                                    

[Kabanata 9: Damdamin at Hangarin]

"ELYONG! Gorio!"

Bulyaw ni Leonardo habang nakapamewang sa nahihimbing pa rin na sina Manuelo at Gegorio. Kakatapos lamang niya maligo sa ibaba ngunit kahit na malapit nang magsimula ang klase sa Letran ay marami pa ring mga kabataang lalaki ang nagkakagulo sa pagpila sa ibaba upang gumamit ng paliguan.

Araw ng lunes kung kaya't ang lahat ay nagmamadali upang pumasok sa kani-kanilang silid upang daluhan ang una nilang tikha(subject) ngayong umaga. Ngunit laking pagkadismaya ni Leonardo nang maabutan ang dalawang kaibigan na hanggang ngayon ay tulog pa rin at tila nananaginip pa.

"Nakaligo na ako. Ngunit, tulog-mantika pa rin kayo!" sigaw pa ni Leonardo nang maisarado niya ang pintuan ng silid. Nakasuot siya ngayon ng kamisong puti na mahaba ang manggas, pang-ibabang may kaiklian na hanggang tuhod at itim na tapis na nakasabit sa kaniyang balikat. Basa pa ang kaniyang buhok at may ilang patak pa ng tubig na tumutulo rito.

"Mga anak ng manggang hilaw! Magsigising kayo mga nilalang!" sigaw pa muli ni Leonardo saka kinuha ang pinaghubarang mga abrigo ng mga ito na nakasabit sa pader at isa-isa niya itong hinagis sa mga mukha nila.

Ang nakangangang si Gregorio ay nagulat saka napalakas ang paghilik. Habang si Manuelo naman ay napabalikwas sa kinahihigaan at tumago sa kabilang gilid ng kama, ang akala niya ay may mga guardia na nanloob.

"Tanghali na! Mahuhuli tayo niyan sa bago nating maestro!" pangaral pa ni Leonardo saka tumungo sa aparador upang kumuha ng kaniyang susuotin. Napahinga ng maluwang si Manuelo nang mapagtanto na wala palang nangyayaring giyera sa labas. "Ang akala ko'y mayroong mananakop." sambit nito.

"Anong mananakop? Nagkakagulo na sa ibaba, sakop na sakop na nga ang lahat ng palikuran!" tila naiinis na wika ni Leonardo. Matapos makapamili sa kaniyang aparador ng damit ay nagsimula na siyang magbihis sa tabi ng kaniyang kama. "Anong oras na?" tanong ni Gregorio sa inaantok nitong tono. Humikab pa siya at uminat ng dalawang braso nang makaupo.

"Kalahating oras na lang, magsisimula na ang una nating tikha." sarkastikong saad ni Leonardo habang nakangiti sa dalawa. Dahil sa sinabi niya ay tila nagkaroon ng patimpalak sa pabilisan ang loob ng kanilang silid. Dali-daling kinuha ng dalawa ang kani-kanilang tapis nang makuha nila sa kani-kanilang aparador ang kanilang panloob.

"M-maliligo pa kayo?" natigilan ang dalawa sa tanong na iyon ni Leonardo na ngayon ay nagsusuot na ng sapatos. Lumingon sila sa binata at ngumiti na parang sila ay nadudumi. "May labinlima pa yatang kalalakihan ang nakapila roon. Tiyak ba kayong hindi tayo mahuhuli?"

Napakamot ang dalawa nang mapagtanto iyon. Kinain sila ng hiya dahil nauna pang nagising sa kanila si Leonardo kahit na alam nilang hindi agad ito natutulog dahil hinaharap pa nito ang mga librong maari nilang aralin. Sila naman ay parating inaantok sa lahat ng oras.

"Magsisipilyo na lang ako,"

"Maliligo na lang ako sa pabango,"

Bumalik ang dalawa sa kani-kanilang aparador saka pumili na lamang ng mga susuotin nila sa pagpasok. Napangisi si Leonardo dahil sa itsura ng dalawa, tila nandidiri pa ang mga ito sa sarili dahil sa hindi sila maliligo bago pumasok sa escuela.

Tumayo na siya sa kinauupuang dulo ng kama saka kinuha ang abrigong puti. Pinatong niya ito sa gitna ng tukador kasama ng kaniyang mga libro, patay na lampara at sumbrelong puti.

"Kukuha lang ako ng ating agahan kay manang Grasya. Kay babagal niyo talaga, mga amigo!" kantiyaw ni Leonardo saka dire-diretsong lumabas at iniwan ang mga nagbibihis na kaibigan.

Naglalakad na siya ng pasilyo nang makita si Joaquin at ang dalawa pa nitong kasama sa inuupahang silid, kapwa mga bihis na ito. Masama ang tingin ng mga ito sa kaniya ngunit pinagsawalang-bahala na lamang niya ito. Bumaba na siya ng hagdan at bumungad sa kanya ang nagkakagulong mga mag-aaral ng Letran.

Guhit, Sukat at TugmaWhere stories live. Discover now