Kabanata 15: Noche de Despedida

32 3 0
                                    

[Kabanata 15: Noche de Despedida]

TATLONG araw na ang nakakaraan mula nang makarating si Leonardo sa Angeles muli. Sa dati nilang mansion na nabili sila ngayon naninirahan. Hindi tulad noon na parating sa mga bahay-panuluyan sila nagpapalipas ng gabi sa tuwing may dinadaluhan silang selebrasyon o pagtitipon ng kanilang mga kakilala na nagbibigay sa kanila ng imbitasyon.

Noong nakaraang araw lang natapos ng mga manggagawa ang kabuoan ng kanilang mansion kung kaya't naroroon pa rin ang ilang amoy ng mga kemikal na ginamit. Nabayaran na rin nila ng buo ang inhinyero at agbarog sa serbisyo ng mga ito.

Kumpleto silang naglakbay patungo sa Angeles. Si Romeo ay ipinagpaalam ni Andres sa mga maestro nito na nabigyan din nila ng imbitasyon habang si huwes Romano naman ay nagpasa ng papel na katunayang panandalian siyang mawawala sa Real Audencia.

Samantala, nakatapis si Leonardo nang lumabas siya sa palikuran ng kaniyang silid kung kaya't makikita ang matipuno nitong katawan. Mabilis niyang tinungo ang kaniyang pang-ibaba sa ibabaw ng kama. Sinuot niya iyon at sinunod naman ang kamiso. Bumuntong-hininga siya nang mapagtanto na hindi pala siya nakapamili ng abrigo kanina bago maligo.

"Ika'y makakalimutin talaga, Leon!" bulong ni Leonardo sa sarili habang kinukuskos ng dalawa niyang kamay ang basa niyang buhok gamit ang kulay itim na tapis. Nilibot niya ng paningin ang kabuoan ng dati niyang silid.

Halos wala itong pinagbago mula kabataan niya hanggang ngayon. Naroroon pa ang ilan niyang gamit noon na nakatago sa imbakan ng gamit noong ibinenta nila dati ang mansion. Gusto niya sanang dal'hin ang ilan sa mga ito ngunit pinigilan siya ng kaniyang ama.

Napako ang kaniyang tingin sa aparador na katabi ng nakasaradong bintana na gawa sa capiz. Sa huli, tinungo niya ito matapos niyang buksan ang bintana ng kaniyang silid dahilan upang pumasok ang marahang hangin ng umaga. Halos malapit sa bintana ng silid ang puno ng Acacia kung kaya't maaliwalas ang paligid.

Pagbukas na pagbukas ni Leonardo ng aparador ay bumungad sa kaniya ang mga nakatuping abrigo. Hindi na siya magtataka kung maayos ito dahil may mga bago naman na silang tagapagsilbi. Kumuha siya ng isa sa mga iyon na nasa bandang ilalim. Sa paghugot niyang iyon ay may nalalaglag na puting tela na bumagsak sa kahoy na sahig.

Napatitig doon si Leonardo, napangiti nang mapagtanto kung ano ang bagay na iyon. "Ngunit ang tagpong una kitang nakilala, hinding-hindi ko malilimutan... binibining Louisa." wika niya saka pinulot ang puting panyo na may bahid ng mantsa na kulay tyokolate.

Inilagay ni Leonardo sa bulsa niya ang panyo at nakangiting sinuot ang abrigo. Malakas ang kutob niya na mamaya sa despedida ay makikita niyang muli si Louisa dahil nagpadala ng imbitasyon ang kaniyang ama para sa mga Villanueva. Hindi man, tiyak siyang hahanapin siya nito para sa larawang oleo na pinagawa niya rito dati.

Ilang sandali pa ay tumungo na siya sa labas ng silid dahil naalala niyang kanina pa naghihintay sina Simion at Romeo sa kaniya para bumili ng mga bariles ng alak sa kilalang La Licorería ng Angeles para sa gaganaping Noche de Despedida mamayang gabi.







PANAY ang paglibot ni Louisa sa unang palapag ng kanilang mansion, wala naman siyang magawa at wala rin siya sa wisyo upang gumawa ng obra. Tanghaling tapat at kakakain niya lang ng tanghalian kanina.

Siya lang mag-isa kasama ang kanilang mayor doma dahil kahapon ay umalis ang kaniyang mga magulang upang dumalo sa pasasalamat sa tahanan ng gobernadorcillo dahil sa pagdadalang-tao ng kaniyang ate Francisca. Bukas pa uuwi ang mga ito.

Naglalakad-lakad ang dalaga habang pinagmamasdan ang mga obra niyang ginawa sa bawat pader ng kanilang tahanan. Maging ang piyano na malapit sa salas ay sinubukan niyang patugtugin ngunit wala naman siyang kakayahan doon.

Guhit, Sukat at TugmaWhere stories live. Discover now