Chapter One

3.3K 53 13
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Tinakbo ko ang kahabaan ng elementary department bago makapunta sa grounds ng highschool habang nagdadasal na sana hindi pa sarado ang gate. Rinig na rinig ang daundong ng boots ko sa hallway. 

Halos maiyak ako nang makitang si Abbie ang bantay.

"'Yon, may kasama na ako!" bungad sa akin ni Jeff na late rin.

Hindi ko siya pinansin at nilapitan agad si Abbie para utoin. "Bie, pasok na kami," panunuyo ko sa kanya.

Tinignan niya ako at inirapan. Napanganga ako bago siya inambahan pagkatalikod niya. Ikaw paikutin ko, eh!

Napalingon ako sa hallway dahil narinig ko ang maiingay na boots ng mga tumatakbong officer na paniguradong late na rin.

"Tanginang fatigue 'to. Hihimatayin na ako sa init!" reklamo ni Gabo.

"Sinong bantay?" tanong ni Asha.

"Si Abbie, wala tayong pag-asa!" sinadya kong lakasan para marinig niya.

Tumawa si Gabo at tinulungan si Asha na mag ayos ng boots at upper.

"'Wag kasi kayo naglalaplapan para hindi na-lelate."

Hinampas ni Gabo ng garrison belt ang binti ni Jeff.

"Wala ka lang malaplap, eh!" pang aasar pabalik ni Gabo.

"Gabriel." saway ni Asha sa jowa niya.

Sumandal na lang ako sa pader at nanlumo habang iniisip kung gaano ako pagpapawisan mamaya dahil sa parusa sa mga late na officer.

Bumukas na ang pinto at bumungad si Bea na Ex-O namin, pangalawa sa may pinakamataas na ranggo.

"Mabini, pumasok ka na sa klase mo." sabi niya kay Abbie.

Umalis ito at nag side step nang madaanan si Bea.

"Kayong apat, sa court," sabi niya at pinasadahan kami nang tingin bago umalis.

Nag-inat ng malala si Jeff.

"Ang aga ko namang pagpapawisan, lintek!"

Tuloy-tuloy ang pag iinarte ni Jeff pababa habang papunta kami sa bleachers para ilapag ang mga bag. Nakita kong tapos na nila papilahin at papasukin ang mga highschool sa bawat klase nito at kaming mga Officer na late na lang ang nasa court, 'yong iba nasa klase na rin.

Luminya kaming apat sa harap ni Bea. Kami ni Asha sa harap at sila Gabo naman sa likod.

"Alvendia, bakit late? Na naman," tanong niya sa 'kin.

"Sakto naman ako sa gate, Ma'am. Kaso hindi na ako pinagbuksan ni Mabini."

"SOP 01!" sigaw niya sa akin.

"Once you enter the gate always run double time, Ma'am!" sigaw ko pabalik.

Tinanong niya rin si Asha at Gabo, tinanggap niya ang rason na nasiraan ang tricycle na sinasakyan.

"Vasquez, bakit ka late?" tanong ni Bea kay Jeff.

"Nadapa po 'yong bata, Ma'am."

"Anong kinalaman mo sa bata, Vasquez?"

"Tutulungan ko po sana kaso nadapa rin ako," biro ni Jeff.

Muntik kaming matawang tatlo dahil sa biro niya, nakatingin lang ako sa harap dahil protocol ng C.A.T ay dapat laging naka 'war face'.

"SOP 07!" sigaw ni Bea sa inis.

"Treat this training as a game not as a joke, Ma'am!" sagot ni Jeff.

"Honor Code!"

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon