Chapter Three

1.2K 29 2
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Umiinom ako ng tubig galing sa dala-dala kong tubigan ng biglang nanghingi si Benedict.

"Ano, Che, kanino ka sasabay?" tanong ni Ben habang umiinom.

Kinalabit naman siya ni Yvan kaya binigay niya ang tubigan ko.

"Kay Pisot na lang ako, sabay mo si Cha," sabi ko kay Ben kaya tumango siya.

Malayo kasi ang bahay ni Cha at maganda na rin na siya ang maghatid dahil mahihintay niyang magbihis ito, tapos sabay na sila papunta kila Barry.

"Ayaw mo sa akin?" tanong ni Jeff at siya naman ngayon ang umiinom sa tubigan ko.

"Ako pinili pre, 'di ba?" may bahid na pang aasar sa boses ni Yvan binatukan naman siya ni Jeff.

"Bobo mo daw kasi mag motor," sabi ni Cha sabay hablot ng tubigan ko kay Jeff.

Tangina, wala na akong nainom.

"Sunduin mo si Angge. Minsan lang payagan 'yon," sabi ko at kinuha na ang tubig ko kay Cha, sabay kuha ng bag ko at hinampas ito kay Yvan.

"Pinili mo ang bike ko kaysa sa motor?" nanunuyang tanong niya habang dala-dala ang bag ko.

"Basta ikaw," biro ko sabay tawa dahil ang cute niya habang hawak-hawak ang bag kong Jansport na pink.

"Katakot talaga si Bads 'no? Pati tropa hindi sinasanto," sabi ni Jeff habang sabay sabay kami palabas sa gate.

"Ganoon naman sa training, ah, walang kaibi kaibigan," sabi ni Benedict.

"Pero 'pag trip mo makakalusot, ganoon? Kung ako commandant, pinarusahan ko nang malala 'to si Lucchesi. Minura niya kaya si Bads kaninang umaga."

"Nagmamalinis pa nga. Ganyan ka rin naman," sabi ni Benedict kaya sinubukan siyang sapakin ni Jeff.

Oo nga nagmamalinis pa 'to, baka nga sa mga pinopormahan niya ganyan siya.

"Kay Lucchesi lang naman ganoon si Bads, malupit naman siyang Corps," sabi ni Yvan.

"Inggit ka lang Jeff," sagot ko sa kanya.

"Oo nga... Inggit ka lang," sabi ni Yvan kaya tumawa silang lahat habang nakasimangot naman si Jeff.

"Galingan mo na lang daw mag basketball," pang aasar ni Cha.

Nang makalabas, kinuha ni Benedict at Jeff ang motor nila. Dumiretso na paalis si Jeff samantalang bumalik si Benedict para kuhanin si Cha. Kinuha na rin ni Yvan ang bike niya at inabot na sa 'kin ang mga bag.

"Dapat kasi sumabay ka nalang 'kay Jeff, eh, natuwa pa siguro 'yon," sabi ni Yvan.

"Ayoko doon 'no kala mo sampo 'yong buhay kung mag-motor."

Sinuot ko ang bag ko tapos yakap-yakap ko ang kanya. Umangkas na ako at nagsimula na siyang mag-bike. Isa sa dahilan kaya pinili ko si Yvan na kasabay ay isang kanto lang ang layo niya sa bahay namin.

Binuksan ko ang bulsa ng bag niya at tama nga ang hinala ko na nandoon nakalagay ang yosi.

"Pahingi, ah," sabi ko.

"Sige lang," sabi niya dahil hindi niya naman nakita ang tinutukoy ko.

Nilagay ko sa bibig ko ang isang sigarilyo at hinanap ang ligher sa bulsa ng bag niya at nang makita ko ang itim na Cricket ay kinuha ko agad 'yon at sinubukang sindihan ang yosi ko.

"Gago, akin na 'yan!" sigaw niya dahil bigla niyang narinig ang lighter.

Nag-one hand siya sa bike kaya gumewang kami ng kaonti. Pinipilit niyang kuhanin sa akin ang yosi kahit na nag-babike siya.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon