Chapter Thirty-Six

793 14 3
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Marco, putangina ka, buksan mo 'to!" Kinatok ni Cha ang pinto. 

We're at Marco's condo. Paano ba naman nag-kukulong sila ni Mara dito kaya sinugod namin. Nasa kotse ang mga lalaki sa baba at naghihintay. Kami lang ni Cha ang umakyat dito. 

Alam kong kunwari lang sila Jeff na hihintayin nila kami pero takot lang talaga sila kay Marco. 

"What the fuck?" bungad ni Marco pagkabukas niya ng pinto. Mukha siyang bagong gising.

Agad na tinulak ni Cha ang pintuan para siya ay makapasok pero parang bakal 'yon na hindi niya magalaw kahit na kamay lang ni Marco ang may hawak.

"Tangina mo, labas mo 'yong tropa ko!" sabi ni Cha. 

Natawa ako. Bigla namang lumaki ang bukas ni Marco ng pinto at lumitaw roon si Mara na mukhang kagigising lang din habang suot-suot ang t-shirt na napakalaki sa kanya. Bumaba ang kamay ni Marco sa baywang ng girlfriend.

"Cha, we're fucking resting, okay? Pagod kami," sabi ni Marco.

"Puro kayo sex! Tama na ang sex! Ikakasal na ako, oh! Ako muna, Mara!" 

Mara smirked. "Mag-bibihis lang ako," her voice is hoarse. Pagod na pagod, ah?

Masama ang tingin ni Marco kay Cha pagpasok namin. Umupo kami sa sofa nila habang si Marco ay nakaupo sa stool bar chair niya sa kusina at kahit na mataas ang upuan ay abot niya ang sahig. 

"I have cases to read, Cha, 'wag niyo na muna kaming hatakin..." maktol ni Marco.

"Kung may cases ka, e 'di si Mara lang ang paalisin mo! Dito ka!"

"You know that's not fucking happening, right?" 

Parehas kaming natawa ni Cha. "Mag-gigirlfriend ka ng maganda tapos maiinis ka kapag habulin?" pang-aasar ko. 

Marco groaned. Halatang stress na stress na siya. At mas lalo siyang na-stress nang makita ang suot ng girlfriend papunta sa bar.

Pumalakpak ako nang lumabas si Mara wearing a black two piece body skirt and a black heels. 

"Ganda!" puri ni Cha. 

Tumayo si Marco at sinalubong ang girlfriend. Nilagay niya ang kamay sa baywang nito, sa likod at sa legs. Ewan ko kung tinatantya niya ang haba. Mas na-frustrate pa siya nang paghila niya pababa sa top ni Mara ay nakita naman ang sa boobs nito ganoon ulit kapag tinaas naman. 

"Marco, okay na 'yan!" sabi ko. 

Mara looked at his boyfriend then smile. Padabog na pumasok si Marco sa kwarto para ata magbihis. 

Natatawa kaming nilapitan ni Mara. "I'm sorry I haven't responded to any messages, law school at bahay lang iniikutan ko kasi busy si Marco sa firm nila... hindi kami makalabas."

"Sus, for all I know sinusulit niyo lang ang sex!" Cha said. 

Mara chuckled. "About that, can I borrow some concealer?" 

Nilabas ko ang akin. Hinawi ni Mara ang buhok and purple hickeys instantly showed up! Nanlaki rin ang mata ko noong naglagay siya sa kamay pinahid sa bandang hita. 

"'Te, para kang galing sa bakbakan, ah?" kumento ni Cha. "Mamaya malumpo ka na niyan, ah?" she joked. 

Natawa ako. 

"'Yan tuyo ka kasi kaya patawa-tawa ka na lang." pang-aasar niya sa akin. 

Hinila ko ang buhok niya bago siya inirapan. Tumawa si Cha bago lumapit sa akin. 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon