Chapter Twenty-Eight

639 14 12
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Kahit na hindi ako nakatingin, nararamdaman ko ang mga ngiti niya. Habang tumatakbo pa lang kami kanina habang tumatawid nakikita ko na 'yon.

I bit my lip. Ang bagal ata ng elevator ngayon?

Sinubukan kong silipin siya pero hindi ko pa nalilingon ang buong katawan ay nagtama na ang mga mata namin, agad akong nag-iwas ng tingin at napa-pikit bago mahinang bumuntong-hininga.

Tangina. He looks so good while leaning at the wall, kahit pa basang-basa ang damit.

Napatalon pa ako sa mahinang tunog na nilikha ng elevator dahil nasa tamang floor na kami. Hinawakan ni Christian ang braso ko. Nasa kabilang kamay niya ang mga gamit ko, ingat na ingat siya roon kanina habang nasa ulan kami.

"Cha! Nakabili ka ba-" Natigilan ako dahil pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Aster na naka-upo sa sofa.

Nanlaki ang mata ko bago nilipat ang tingin kay Christian na tahimik na nag-hihintay sa likod ko. Tangina! Anong gagawin ko?!

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa dapat uwi mo, right?" Tumayo siya.

Hindi ko mabuksan ng buo ang pintuan dahil kinakabahan.

"Magluluto sana ako pero sabi ni Cha nag-pabili ka ng pang-spaghetti-"

"Is that Aster?" biglang nagsalita si Christian.

Natigilan si Aster at biglang kumunot ang noo. Tinulak naman ni Christian ang pinto kaya tuluyan na silang nagkita.

"What the fuck?!" Sigaw ni Aster.

"What are you doing here?"

Natawa si Aster bago lumapit sa amin. "Aster, nag-kita lang kami sa DejaBrew! Nabasa siya kaya sabi ko dito muna siya para magpa-tuyo," tarantang sabi ko.

"Tapos hindi mo sinabi sa akin?!" agap niya. "Why are you in that coffee shop? You don't even live near hear, mothefuker."

"Aster..." saway ko.

"I said, what are you doing here? In a condo where two girls live?" Seryosong tanong ni Christian.

"Pumupunta talaga siya rito." Hinarap ko siya.

"Unannounced? Everytime?" He asked, confused.

"Why the fuck do you care!" sigaw ni Aster.

"'Wag kang bastos!" sigaw rin ni Christian.

Magsasalita na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Cha narinig niya ata ang mga sigawan. Napanganga siya bago natawa. Tinakpan niya ang bibig at tinignan ako na parang kung kaming dalawa lang ang nandito ay mang-aasar na siya.

"Nasa labas si Aster pagka-uwi ko kanina kaya pinapasok ko na...may bisita ka pala." Ngumuso siya para pigilan ang pag-ngiti. "Tara, Christian, may extrang damit dito."

"I'm fine, Cha, thank you," Christian politely decline.

"Gago! Anong fine, tignan mo 'yang damit mo!" saway ko dahil basang-basa naman ang damit niya, samantalang ako ay stocking at sapatos lang ang nabasa.

"You heard him, he said he's fine," ngumiti ng peke si Aster bago lumapit kay Christian at sinubukang kuhanin ang mga gamit ko.

"Aster, magpapatuyo lang siya...napakalakas ng ulan, oh." Tinuro ko ang labas.

Hinayaan ni Christian si Aster na makuha ang gamit ko. Nakabusangot namang kinuha ni Aster 'yon at inilapag sa sofa pero pagkatalikod pa lang ng kapatid ay lumapit na si Christian sa akin at hinawakan ang likod ko.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon