Chapter Fourteen

759 16 7
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Tito, dalawang longsilog po tapos lomi!" sigaw ni Bads, hindi pa nakakababa sa motor.

Nandito kami kila Tito Dings dahil gusto munang kumain ni Bads bago pumunta kila Barry.

Napangiti si Tito bago kami binati. Lumapit si Bads at nagtingin ng iba pang ulam, sumunod rin ako.

"Jek, may maja kayo diyan?" tanong niya kay Jek-jek na nag-fafacebook.

"Wala na, Kuya! Ang tagal niyo kasi, eh!"

"Sabi ko sa'yo lagi kang magtatabi!" sabi ko sa kanya.

Lumabas si Tito at binatukan si Jek. "Tanga, sige, asarin mo pa. Mamaya hindi bumili 'yan!" Tumingin siya sa amin. "Pinagtabi ko kayo... Ilang order ba?"

"Dalawa po ulit, Tito," sabi ni Bads bago kami umupo.

Siya na ang nag-punas ng mga kutsara bago ito binigay sa 'kin. Napatingin ako sa kanto dahil narinig kong paparating ang motor nila Jeff na papunta rin dito. Hindi pa nila ako nakita dahil nasa gilid kami ni Bads.

"Oh, Jep! Anong atin?" si Tito Dings.

Tinambol naman ni Yvan ang lamesa bago sila kumanta. "Babaeng may itlog! Chicsilooooog!" pagkanta nila.

"Tito, 'wag mo na sila tanungin kasi walang palya 'yang mga 'yan!" sabi ni Cha.

"Hayaan mo lang, mga tuwang-tuwa, eh." binatukan ni Tito sila Jeff. "Oh, tapsi sa inyo ni Benedict, 'di ba?" tumango lang sila bago umupo.

Nagkatiginan kami ni Bads dahil hindi pa rin nila kami nakikita. Kumuha pa sila ng isang upuan sa gilid dahil walang upuan si Cha.

"Ang tangkad mo kasi Benedict! Nasisiksik 'yong binti ko!" angal ni Cha dahil nahihirapan umupo.

"Dict lang," banat niya kaya nagtawanan silang tatlo.

Hinalikan ni Bads ang pisngi ko kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya. "Hindi mo ba sila lalapitan?" tanong niya habang hindi tinitigilan ng halik ang pisngi ko.

"Bawal ang kiss 'pag nandoon tayo, ah?"

"Yeah... Dito na lang tayo," sabi niya bago umangat sa noo ko ang halik.

"Ang lalandi grabe!" narinig ko ang boses ni Cha kaya napatingin ako rito.

Nakatingin na silang apat sa amin. Nakangiti si Benedict habang tinatapik si Jeff. "Dito na kayo tangina, mga nahiya pa, eh," sabi ni Yvan.

Natawa ako bago tumayo. Si Bads ang kumuha sa bag ko bago kami lumipat sa table nila. Dumating na rin ang pagkain. Inaasar pa nila si Cha dahil nakita raw ni Benedict na kausap si Rico.

"Type niya 'yong mga ganoon," sabi ko habang kumakain.

"May tinanong lang 'yon!" giit ni Cha.

"Sus, kahit may tinanong lang 'yon, susunggaban mo rin naman!" pangaasar ni Jeff.

Natawa kami dahil totoo 'yon. Ganoon kasi ang hilig ni Cha. May something lang sa mga moreno na hulog na hulog siya. Dagdag mo pa na kahit nakasalamin si Rico ay sobrang lakas pa rin nang dating.

"May itsura naman kasi talaga 'yon!" si Cha.

"Matalino pa," dagdag ko.

"I'm smart too..." epal ng katabi ko.

"Jinowa ka na, pre! Magseselos ka pa?" sagot ni Jeff sa kanya. Napangiti naman ang mga tropa ko. Napatingin ako sa kanila.

Pagkatapos kumain ay umalis na rin kami. Pumunta muna kami ni Bads sa bahay dahil gusto ko munang magpalit ng damit. Pumayag siya at sinabing doon na rin siya magpapalit dahil dala niya ang kanya.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon