Chapter Forty

1.2K 22 8
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Ma'am, may I repeat your order? One eggdesal, one egg mcmuffin and two pieces hotcakes and sausages." 

Tumango na lang ako sa cashier kahit na hindi ko naintindihan ang sinabi niya. It's six am in the morning. Wala akong mapuntahan pagka-alis ko kagabi kaya lutang akong nag-drive kung saan-saan. I don't even know where I parked pero sa sasakyan na ako nag-palipas ng gabi. 

Bumalik ako sa kotse at nag-drive. Hindi ko alam kung saan pupunta. I turned off my phone because I don't want to be disturbed. I continued to drive and drive. Ni hindi ko alam bakit ako bumili ng breakfast.

I was heading north nang napansin ang pamilyar na daan. I was absent mindedly driving tapos dito ako dinala ng sarili ko? 

Dumiretso ako at tinuloy ang daan. I looked at the sky. The sun is now shining.

Cha, gusto mo ba akong makausap? 

Nag-park ako at pumasok sa sementeryo. Dumiretso ako kay Cha. I am one of the few people na mayroong susi sa gate kung na saan siya. I opened it and went inside. 

There's still some grass pero semento ang pathway.  Wala ring bubong ang taas para makita ang araw but the whole area is secured. We decided na nakahiwalay siya sa mga nakalibing dito and we also made sure na mag-hire ng cleaner na lilinisan ang lugar at tatabasan ang mga damo. Malaki rin ang lupa na binili namin para kapag pumunta kami rito ay kasya kaming lahat. 

I saw some fresh flowers beside her tomb stone. Mukhang may kakabisita lang. 




CHARLIE HARMONICA S. EVASCO

FEBUARY 21, 2003 - OCTOBER 3, 20XX



Umupo ako sa harap niya habang dala-dala ang pagkain. Nag-sisimula na naman akong maiyak. Binuksan ko ang paper bag at kinuha ang eggdesal bago inilagay sa kanya. Kinuha ko rin ang order ko at kahit na naiiyak ay pinilit na kainin 'yon.

"Gago, h-hindi na kita binilhan ng kape, ah?" sabi ko. 

Inubo ako ng ilang beses dahil sumasabay ang hikbi sa pagkain. I tried to wipe some of my tears pero tuloy-tuloy lang ang tulo no'n. 

"U-umalis ako... nasa kotse 'yong maleta..." Sinubukan kong mag-kwento pero dahil sa pag-iyak ay nahihirapan akong gawin 'yon. 

Humiga ako sa damuhan at tinabihan siya. I look up the sky. Nakapikit ang mga mata dahil sa tindi ng sikat ng araw. Dahan-dahan kong kinalma ang sarili. 

"Nag-away kami ni Brandon kagabi... Inaway ko siya, Cha..." I sniffed. 

"Why didn't you tell me? Bakit mo tinago?" I touched her tomb

Kahit nakapikit ay lumalabas ang mga luha ko. "Sana natulungan kita... Kung alam ko lang, Cha, sana hindi kita iniwan hangga't hindi ka okay..." I sobbed. 

Alam kong itinago niya ang lahat para hindi ako masaktan. She had the choice to share the burden with me pero pinili niyang sarilihin dahil alam niyang mahal ko si Andrei. 

Kahit ako hindi alam ang mararamdaman kapag nalaman ko noon na si Aica pala ang babaeng nabuntis ni Brent. I would've broken down with her. Baka parehas kaming masaktan. 

Through out our college years sabay namin inaalagaan si Andrei. We will both play with him. We saw how he grew... Nandoon kami noong unang beses siyang pumasok sa school... nandoon din kami noong una niyang assignment. Kami ni Cha ang nagsagot no'n...

I knew she loves Andrei so much... At ngayon ko lang naisip na kaya niya minamadali ang paghihiwalay nila ni Brent ay para magkaroon ng ama ang bata. 

She knew what it's like to grow up without a father that she don't want Andrei to experience it. 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon