Chapter Nine

796 17 2
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Sige na... Take it."

Nandito kami ni Bads sa room. Pinipilit niya na kuhanin ko ang pocket wifi niya.

Palagi na naming ginagawa na sa room mag recess dahil bukod sa malamig, kaming dalawa lang at hindi maingay.

"Ayoko nga, sa'yo 'yan, e," sabi ko sabay kagat sa burger na bili niya.

"Pinapahiram nga kita, so we can..." nilapit ko ang burger sa bibig niya. Kumagat siya rito, "... Skype, tatawagan kita 'pag gabi."

Hindi ako papayag. Inayos na nga niya 'yung laptop, bibigyan niya pa ako ng ganyan. Bibili na lang ako 'pag nagkapera.

"Para saan pa? Magka-text naman tayo palagi," uminom ako ng coke.

"Syempre, I want... " nilahad ko rin sa kanya ang inumin. Uminom siya rito, "... To see you."

Hindi ko na siya sinagot at inabala ang sarili sa pagkain. Bahala siya diyan.

"You can just borrow, hindi ko rin naman ginagamit, sayang lang, 'di ba?"

"Bibili nga ako, 'tyka wala rin naman akong paggagamitan nung laptop."

"We can Skype-"

"Nagkikita tayo araw-araw."

"How about during weekends?"

"Hoy! Ang clingy mo nama," natawa ako. "Tigilan mo na 'ko." banta ko sa kanya nang aamba pa siyang magsalita. Sinubo ko uli ang burger sa kanya.

"I'll stop, kung kukuhanin mo 'to," umirap ako.

"Bads-"

"Ibalik mo anytime!"

"Makokonsensya akong gamitin 'yan."

"Sa 'kin mo lang gamitin," mabilis niyang sagot, "Just use it kapag maguusap tayo."

Napakagat labi ako. Ang kulit niya! Hindi siya kaya ng powers ko. Kinuha ko ang pocket wifi, sabay tingin sa kanya.

"Sige isasauli ko na lang 'pag break na tayo." biro ko.

"Walang magbe-break," seryosong sabi niya habang diretsyong nakatingin sa mata ko.

Sobrang lapit niya. Bukod pa na nilalapit niya lalo ang upuan ni Benedict 'pag umuupo siya roon.

"H-hindi pa nga k-kita sinasagot," lumayo ako ng kaonti.

"I don't care, walang magbebreak."

Nagkunwari akong ilalagay ang pocket wifi sa bag para makaiwas. Alam kong namumula ako ngayon, dim naman ang ilaw sa kwarto pero ayaw kong makita niya ang pulang-pula kong pisngi.

"So... I'll call you tonight?" ang laki ng ngiti niya.

"Loloadan ko muna 'to."

"Meron na 'yan, for one month."

"Ano?!" gulat kong tanong.

"Well... I mean natira-"

"Sige magsinungaling ka, ibabato ko sa mukha mo 'to."

Tinikom niya ang bibig. Pinanlakihan ko siya ng mata pero nakangiti lang siya sa akin. Kinagat niya ang burger habang masama ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako nang biglang may kumalabog.

"Dude!" biglang bumukas ang pinto.

Pumasok sila Barry, Aster at Anchet. Agad na lumayo si Bads sa akin, umayos naman ako ng upo. Nagkatinginan kami ni Aster. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon