Chapter Thirty-Four

832 19 22
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Hoy! 'Yong mag-ex d'yan! Bilisan niyo at aalis na tayo!" 

Lumayo ako kay Bads at nauna na sa table. Nakita kong nag-aayos na sila at mga nakatayo. 

"Aalis na?" tanong ko.

"Oo, doon tayo sa condo mo," sabi ni Jeff.

Wow, hindi ako aware, ah? 

"Sige, pwede ba tayo sa condo ko? Paalam lang ako sa inyo, ah?" I said sarcastically. 

Walang pumansin sa akin. Magkakalat lang sila roon, eh! 

When the bill came sa akin 'yon inabot. Hindi ko pa nasisilip ang total ay hinablot na ni Sid sa kamay ko 'yon. Tumayo ako at nilabas ang card ko pero inagaw rin ni Brent kay Sid ang bill. 

"Ako na," I said. 

"It's fine, si Cha ang nag-aya, I'll pay," si  Brent habang nilalabas ang wallet.

"Kung fast hands ka," sabi ni Jeff bago hinablot sa kanya ang bill. Inipit na niya ang card doon at inabot sa waiter. 

Hinila ko pabalik ang bill folder at binuksan 'yon. Nag-reklamo si Jeff na siya na raw ang magbabayad pero pagtingin ko roon hindi naman pala bill ang nakaipit kundi resibo na. 

"Paid na pala, eh," sabi ko. 

Nagkamot ng batok ang waiter. "Sasabihin ko po sana na receipt na lang 'yan dahil sinabi na po ni Mr. Aravelo na icharge sa card niya lahat ng inumin sa table na 'to."

Napatingin kami lahat kay Bads. He's just standing there at hindi nag-sasalita. 

Nag-thank you ang mga kaibigan ko sa kanya. I smiled at him too. Sabay-sabay kaming lumabas para pumunta na sa kanya-kanyang kotse. Umamba akong sasakay sa kotse ni Marco pero pagbukas ko ng pinto sa backseat ay nakahiga na ang tulog na si Damien doon. 

"Wala na, nalasing 'yan, sa iba ka na lang sumakay," sabi ni Jeff.

Nalasing ba si Damien? Okay pa siya noong pagbalik ko sa table, ah? 

Dahan-dahan kong sinara ang pinto at dumiretso sa kotse ni Jeff. 

"Hep...hep... Puno na kami rito," sabi niya habang nakaharang sa pinto. 

"Anong puno?!" sabi ko bago siya hinampas. 

Napatingin ako sa kotse nila Sid pero palapit pa lang ako ay pinaharurot na niya paalis. Umalis na rin sila Benedict at Cha! Anong trip ng mga 'to?

"Maglakad ka na lang," natatawang sabi ni Jeff bago sumakay sa sariling kotse. 

Sinipa ko ang gulong niya. "Tangina niyo!" I shouted. 

Inis kong nilabas ang cellphone. I was booking a grab ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko. 

"Need a ride?" tanong ni Bads. 

Napatingin ako sa kotse niya. It is definitely an Audi. Well, ano pa bang inaasahan ko?

"Hindi na, Brandon...nag-bobook na ako ng grab."

"Isn't that a waste of money? We're going at the same place anyway."

Same place? Sa condo ang punta namin, ah? My eyebrows furrowed. Teka, sasama ba siya?!

He chuckled when he saw my confused face. "Am I not invited..." 

"Hala, hindi!" Agap ko. Agad kong pinasok ang phone sa bag. "Tara na!" 

Lumabas siya sa sariling kotse. He opened the passenger seat for me kaya wala na akong nagawa kundi pumasok doon. I was greeted with a strong manly scent pagpasok ko. 'Yong tipong mapapatirik ang mata mo sa bango. 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon