Chapter Twenty-Nine

675 19 12
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Inis akong tumayo at dumiretso sa kwarto ni Cha bago ko kinatok ang pinto niya nang tuloy-tuloy. 

"Charlita! Tumayo ka d'yan, tangina mo!" sigaw ko habang kumakatok. 

Kumatok pa uli ako ng malakas pero hindi talaga siya nagigising. Alam kong buksan lang ang pinto niya pero hindi namin ugaling pumasok sa kwarto ng isa't isa ng basta basta lang. 

Toka niya ang breakfast ngayon dahil panibagong linggo na naman pero hindi pa rin siya gising. Tinignan ko ang orasan. Nine am na. 

Dumiretso na ako sa kusina at binuksan ang ref. Walang mangyayari kung tatanga lang ako rito. Kumuha ako ng itlog at sinilip ang bahaw pero natigilan ako nang nakarinig ng katok. 

"Hay nako, Jeff! Wala pa kaming pagkain lumayas ka rito!" sabi ko pagbukas ng pinto.

Nagulat ako ng mukha ni Christian ang bumungad sa akin. May dala siyang isang plastik na hula ko ay grocery dahil may nakita akong hotdog.

"Good morning," he said before leaning towards me.

Agad akong nagtakip ng bibig. "Hindi pa ako nagto-tooth brush..." nahihiya kong sabi.

"I don't care," sabi niya bago ako binugbog ng halik sa buong mukha hanggang sa bandang leeg. 

Sinaway ko siya habang tumatawa dahil nakikiliti. Nanatili ang kamay ko sa bibig dahil sa takot na baka maamoy niya ang hininga ako. 

"Come on, isa lang," panunuyo niya. 

He successfully reached for my lips kaya tinigilan niya na ako. I glared at him bago tumakbo sa banyo para makapag-toothbrush. Nakita kong dumiretso siya sa kusina at nagsimula na atang magluto.

Pagkalabas ay naabutan ko siyang nagpiprito. Sinubukan kong tumulong pero bigla niya akong hinila at inilapit sa kanya bago niyakap. Inikot ko ang kamay sa kanya at ipinatong ang ulo sa kanyang dibdib. Ganoon lang ang posisyon namin habang nag-luluto siya.

"Kaya pala ang aga mo natulog kagabi, ah," bulong ko.

Maaga kasi siyang nag-goodnight sa akin. Nag-taka ako dahil natutulog lang naman siya kapag patulog na rin ako. May balak pa lang mag-grocery. 

"Bango naman niyan, Boss C!" Umalingawngaw ang boses ni Cha.

Humiwalay ako kay Christian dahil biglang nahiya. Nilapitan ko si Cha at hinila ang buhok niya. Hinila niya pabalik ang sa akin kaya hindi ko binitawan ang buhok niya.

"Tangina mo! Kaka-bleach ko lang!" sigaw niya habang inaalalayan ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. 

"Bumitaw ka muna!" sigaw ko pabalik.

"What's happening?" Tarantang tanong ni Christian.

"Ikaw kaya nauna!" sigaw niya pero wala akong pake.

Parehas na kaming nakatuwad dahil walang gustong bumitaw. Kung hindi pa kami pinag-hiwalay ni Christian ay baka mag-sparring talaga kami rito. 

"Pasensya na puyat ako! Magluluto naman, eh!" paliwanag ni Cha. 

Natawa ako bago siya binatukan. "Kailan ka nag-luto, pakyu?! Bibili ka na naman sa labas! Nananaba na ako!" 

"Nandito naman jowa mo, eh, dami mo pang reklamo," sabi ni Cha bago nakipag-apir kay Christian. 

Natahimik ako dahil nailang ako sa sinabi niya. Hindi naman kami mag-jowa... 

Sa totoo lang ay hindi talaga namin napag-usapan. After the dinner four days ago, wala namang confirmation kung kami na ba talaga... I mean, ibig sabihin ba ng pag-pili ko sa kanya kami na no'n? 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon