Chapter Eighteen

639 15 9
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko habang nagsasapatos. Papunta akong tiangge ngayon.

"Kumain ka muna!"

Lumabas na ako at dumiretso sa gate. "Doon na po Ma- Ay, tite ni Batman!" sigaw ko dahil bumungad ang mukha ni Aster paglabas ko ng gate.

Nakasuot siya ng hoodie at sweat pants. Naalala kong ganito ang pantulog niya noong nagsaskype kami para sa report namin noon.

"Ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa kanya.

"I was texting you last night. Hindi ka na nagreply after telling your address. Hindi ko alam anong oras pupunta sainyo." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa 'king mata.

Nagusap nga pala kami na ngayong sabado gawin ang proposal... at dahil nagiiiyak ako kagabi dahil sa 'I miss you' na pinost ni Bads sa facebook ay hindi ko na siya nareplyan!

Nagisip ako kung anong sasabihin. Tinignan ko siya at mukha siyang naghihintay sa sasabihin ko.

"Sige... Pasok ka na magplano na tayo-" 

"Aren't you going somewhere?" tinuro niya ang maliit na bag na hawak-hawak ko.

"Nandito ka na, eh. Hayaan mo na..." 

"We can talk on the way. I have nothing else to do," nagkibit-balikat siya.

Napakunot ako ng noo. Sasama siya sa 'kin sa tiangge? Napatanga pa ako saglit kaya nakataas ang kilay niya sa 'kin ngayon. Nang hindi ako magsalita ay nauna na siya maglakad.

"Hoy!" sigaw ko habang hinahabol siya, "Sasama ka talaga?!" 

Hindi siya sumagot hanggang sa magkatabi na kaming naglalakad. Walking distance lang naman ang tiangge na 'yon kaya hindi na kami nagtricycle. Tahimik lang siya na naglalakad sa tabi ko at katulad noong nasa hagdan kami, awkward pa rin talaga.

"Nakapag tiangge ka na ba?" tanong ko habang nasa bungad  kami.

Iniwasan niya ang motor na nagdrive sa mismong dinadaan niya at nanlalaki ang mata na nakatingin sa 'kin. Hindi niya ba alam na iisa ang daanan ng mga tao at sasakyan sa tianggean? 

Natawa ako. Pumwesto siya sa likod at hinawakan ang magkabilang braso ko habang naglalakad kami. Nagsorry pa siya dahil hindi sinasadyang mabunggo ang balikat ng isang ale. Bungad kasi 'to kaya marami pang tao.

Nang makarating na kami sa bandang gitna ay iritado siyang tumingin sa 'kin.

"Oh, bakit?!" lumabas na ang tawang pinipigilan ko kanina.

"You're enjoying this... It's my first time here." sabi niya.

Nahalata niya ata na tinatawanan ko siya kanina. Napailing ako at hinila na lang siya dahil may nakita akong mga ukay. Tahimik siyang nakasunod sa 'kin. 

Bahala ka diyan. Gusto mong sumama 'di ba? 

Kinuha ko ang isang itim na t-shirt na may 'tweety bird' na design. Binigay ko kay Aster ang maliit na bag na meron ako bago pinatong ang t-shirt sa damit na suot ko ngayon. Tinanggal ko ang buhok na naipit sa gitna bago humarap sa kanya. 

"Ano?" tanong ko bago tinuro ang t-shirt.

"Looks good," simpleng sabi niya habang nakatingin sa dibdib ko. Tinakpan ko ang boobs ko at bahagyang sinipa ang tuhod niya. 

"Manyak!" sigaw ko. Ngumiti siya sa'kin at hindi man lang tinanggi ang paratang ko sa kanya.

"Naku, ganda! Couples 'yan!" inabot niya sa 'kin ang isa pang itim na t-shirt na may parehas na design pero mas malaki. "Sukat mo, pogi." sabi sa kanya ng tindera.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon