Chapter Fifteen

799 14 2
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Sembreak!" sigaw ni Jeff habang palabas ng room. Naginat-inat pa siya habang naglalakad kami.

Sabay-sabay kaming bumaba pagkatapos magdismiss ni Mr. Carilo. 

"C.A.T officers... Humanay! Isa... Dalawa..." halos madapa ako nang magtawag si Bads.

Nangasar kasi si Jeff na hinila ako paakyat para malate kami. Buti na lang at bag ko lang ang hila-hila niya kaya hinubad ko lang 'yon at nakahabol sa bilangan.

"Kumpleto na ba?!" 

"Sir yes, Sir!" sigaw namin.

"Wala tayong training ngayon... Paguusapan lang 'yong swimming bukas," sabi ni Bads bago kuhanin ang isang notebook. "Lima lang ba ang hindi makakasama?!"

"Sir yes, Sir!" sagot ng limang officers na hindi kasama bukas.

"Okay. Basta bukas, doon na magkikita-kita..." nagkatinginan kami kaya ngumiti ako sa kanya, palihim na kindat naman ang sagot niya sa akin. "Tweleve pm, pwede na kayo pumunta. Kinabukasan rin ng twelve pm ang uwi. Naiintindihan ba?!" tanong niya sa platoon.

"Sir yes, Sir!" halata sa sigaw namin na masaya kami. 

"Harap sa likod... Rap!" command ni Bads. Sabay-sabay kaming humarap sa likod.

"Happy semestral break, officers. Lumansag!" sigaw niya kaya ginawa namin ang palpak.

"Alpas Company! Sir thank you, Sir!" sagot namin bago mag-celebrate at maghiyawan.

Tumalong-talon pa ang iba pero dumiretso lang ako kay Bads. Inakbayan niya ako at sumabay sa amin nila Cha, nakasunod rin sila Barry at Anchet sa kanya. 

"Oy bro, pumayag ka na, ah? Kasama si Aster bukas," tanong ni Barry sa kanya.

"Ulit-ulit? Oo na nga, 'di ba?" sabi ni Bads bago tinulak si Barry sa braso. 

Biglang sumingit si Anchet at hinarap si Cha. "Cha, gusto mo reto kita kay Aster? Pogi 'yon." 

"Pass sa tisoy," tinaas pa ni Cha ang kamay.

"Alam mo... Hindi ka rin naman nagtatagal sa mga moreno," Inambahan ni Cha si Jeff. "Oh, Bakit, si Rico? Isang buwan lang kayo nun, ah." Ginulo pa nito ang buhok niya.

"Pake mo ba? Ayoko nga!" 

Napakaputi kasi ni Cha, tulad namin ni Angge. Kaya siguro gustong-gusto niya sa mga moreno... Ako kasi, kahit sino lang ibigay ni Lord basta, hindi manloloko.

"Si Angge nga pala, kumusta?" tanong ni Benedict.

"Negative," sagot ko. Sinubukan ko siyang ipaalam last week kaso hindi talaga siya pinayagan. 

Nang makarating sa labas ng school ay nagkahiwa-hiwalay na rin kami. Pupunta kami ngayon ni Bads sa kanila para magimpake. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil sa tatlong buwan ng relasyon namin, ito pa lang ang pangalawang punta ko roon. Madalas kasi na sa bahay na lang siya natutulog para raw hindi mag-alala si Mama.

"Good afternoon po," bati ko sa sumalubong sa amin.

Binigay ni Bads ang susi ng motor sa kanya at si Kuya ang nagayos ng motor kung saan. Hinawakan niya ang kamay ko bago pumasok. Naramdaman niya tuloy na kinakabahan ako.

"Nasa trabaho sila..." bulong niya sa 'kin.

Napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo. Parehas talaga sila ni Barry na laging wala ang magulang. Umakyat kami at dumiretso sa kwarto niya. Ang tahimik pa rin ng bahay nila tulad ng dati.

Pagpasok namin sa kwarto niya ay hinanap ko agad ang kanyang computer chair dahil gusto kong umupo roon. Pero iba na ang upuan na nandoon ngayon. Nagtaka ako at inikot ang paningin pero wala na talaga! Nasira ba niya? Naglakad ako habang dumiretso siya para mag impake. 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon