Chapter Twenty-Seven

644 13 4
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Sinundan niya ba ako rito?!

"Thank you," sabi niya bago kinuha ang upuan at dinala sa kabilang table kung saan nandoon si Ranil at dalawa pang lalaki na hindi ko kilala.

Tangina? Sa dinami-dami ng bakanteng upuan sa buong cafe, sa akin siya kumuha ng upuan, really?

Nagpapanggap pa siyang hindi ako kilala. Wow!

Tinignan ko siya ng mariin. Normal siyang nakikipagusap sa mga kaibigan habang naghihintay ng order. Tinignan ko si Ranil. Nagtama ang mga mata namin pero mabilis niyang iniwas ang kanya.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako magdi-dinner!

Napailing ako at ibinalik na lang ang tingin sa cellphone habang kumakain. Nalibang na ako roon at natagalan bago naubos ang pasta at kape kaya nauna pa si Cha na maka-uwi kaysa sa akin.

Pagka-ubos ko sa pagkain ay tumayo na ako at nag-iwan ng kaunting tip sa maglilinis ng table ko tulad ng lagi kong ginagawa. Isang beses akong lumingon sa table nila Christian bago tuluyang umalis.

"Excuse me, Miss?" Natigilan ako paglabas ng DejaBrew dahil sa boses ni Christian.

Bumuntong hininga ako bago siya hinarap. "Chri-"

"My name is Christian," sabi niya bago nilahad ang kamay.

Kumunot ang noo ko. Anong trip nito?

"You are?" Tanong niya dahil hindi ko tinangganap ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo?" Seryoso kong tanong.

Binaba niya ang kanyang kamay at tumayo nang tuwid. "I want a restart... Let's do it again, our first meeting..."

"Gago ka ba?" Tanong ko, hindi na napigilan ang pag-ngiti.

Nagkibit-balikat siya. "Well, you said you would give us a chance if we met in another way." He fixed his shirt and hair before he looked at me again. "Right now, you're about to meet a total stranger at a coffee shop. Who finds you very...very...beautiful and is hoping if he could ask you out... Does he have a chance?" He asked.

I pursed my lips. Leche, ang tyaga niya. Gusto kong matawa sa sinasabi niya pero I can't help but think that it's really...sweet.

"How would I know... I haven't met him yet," I said.

Napangiti siya at napakagat labi bago pumasok ulit sa coffee shop. Napailing ako at sinunod ang gusto niyang mangyari kaya tumalikod ulit ako at umambang maglalakad.

"Excuse me, Miss!"

Napa-irap ako bago siya hinarap. "Yes?" Sagot ko.

"My name is Christian." Nilahad niya uli ang kanyang kamay.

Tinanggap ko 'yon. "Lucchesi."

"I was the one who asked for the chair earlier... And uhm..." He paused. Tahimik lang akong naghihintay sa kung anong susunod niyang sasabihin. "I think that you're really- very beautiful..." utal niyang sabi.

"Thank you..." sagot ko habang nakangiti.

"Can I take you out sometime?" Nilagay niya ang kamay sa bulsa.

Umakto akong nag-iisip. "Hindi ako free next week, I'm sorry... I have an upcoming exam." I smiled.

"How about tomorrow..." He bit his lower lip.

"Sunday is a no too, I'm so-"

"Tonight," pinutol niya ako. "Let's go on a date tonight."

That's not even a question!

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon