Chapter Twenty-Six

647 12 3
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Sinasabi ko na sa'yo, Cha. Magagalit sila Jeff," sabi ko habang naghuhugas ng pinggan.

Nasa likod ko na siya at bihis na bihis. Inaayos niya ang buhok niya at nilingon ako. 

"Hindi naman tayo magpapakalasing, e. Hahanapan lang kita ng papi."

Umiling ako. "Wala akong damit."

"Papahiramin kita." 

"Hindi pa ako naliligo."

"Ulol, galing kang school. Ano, pumasok ka ng hindi naliligo?" 

Bakit ba kasi maaga ang uwi ko ngayon? Nasaktohan ko tuloy si Cha na gigimik.

"Ikaw na lang ang umalis, Cha, mag-aaral ako..." Nag-punas ako ng kamay.

"Hindi ka naman ibabagsak ng piyu, gago," Inirapan niya ako. "Titigilan kita kapag nireplyan mo 'yong kuya ni Aster."

Hinarap ko siya. "Bakit ba ang big deal sa'yo no'n? Gusto mo ba? Kasi pwede naman kitang i-reto-"

"Alam mong hindi ko type 'yon."

"Cha-"

"Che, kahit magsaya na lang tayo. Wala na akong ipipilit sa'yo... Lalabas lang tayo. Kaunting inom tapos uwi na..." Pumunta siya sa kwarto niya at naglabas ng damit.

Inabot niya sa akin 'yon. Black belted sleeveless top na may ka-partner na itim na short at fishnet. 

"Eleven pm, uuwi tayo," sabi ko bago kuhanin ang damit sa kanya.

Nasa grab kami ngayon kaya nagbukas muna ako ng phone. Ang ingay ng group chat na ginawa ni Jeff pagka-uwi namin noong monday.

Natawa ako habang tinitignan ang mga picture na sinend nila sa chat. May mga video rin doon. Hindi ko na masyadong pinanuod ang iba dahil maingay ang background music noong birthday ni Barry.


DODE
active now

jeffvasquez_: miss na miss ko na si damien mababaliw na ako. 

damnien: ako rin pre miss na miss na kita para na akong nasasakal

gab.laurente: haha bading

y_van: selos ka lang eh

_bencstln: ako gabo miss kita

gab.laurente: ako rin pre miss na miss kita 

@y_van inggit ka?

Napailing ako sa mga chat nila "Bakit ang layo natin? Pa-bgc na 'to, ah?" Tanong ko kay Cha nang mapansin ang daan.

"Ano gusto mo ba ulit doon sa pinupuntahan natin nila Jeff? Doon ka na lang palagi?" angal niya.

"Bakit ba kasi ako sumama sa'yo! Nine pm on a thursday night papunta akong bar, imbes na nag-aaral."

Nakakalokong ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon