Chapter Thirty-Five

817 12 5
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

Trigger Warning: accident, blood

Nanlaki ang mata ko nang matanaw ang lomihan. It doesn't look the same anymore. Malaki na 'yon at may lights na ang karatula. Glass door na rin at magaganda na ang upuan at mga lamesa sa loob. It looks like a restaurant right now!

The word "Tito Dings" is at the top of the store. It was in bold letters. Kumikinang rin 'yon

"Shit..." bulong ko.

"I know," sabi ni Bads. 

Pumasok na kami. The place is painted too. Tago na ang kitchen at nasa isang stante na rin ang mga lutong ulam. Nakaprint at nakapaskil na ang menu sa taas. I scanned the whole restaurant. Ni hindi ko na 'yon maalala. 

"Maganda gabi! Ano po sa inyo?" A girl from the counter asked us. She's wearing a uniform.

"Wala na si Jekjek?" Tanong ko kay Bads.

"He's probably in college right now..." 

"'Di ba, kumain ka na rito? Hindi mo siya nakita noong pumunta ka?"

Umiling siya. "Like you, it's my first time entering here after a long time."

Napakunot noo ako. Hindi siya kumain dito? Bakit alam niyang bukas pa?

"Akala ko galing ka rito..." I said while reading the menu. 

"I did pass by a few times noong pag-uwi ko. But I never ate..."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" 

"I don't want to eat alone," he said.

Nag-tama ang mga mata namin. Hindi ako nakapagsalita. 

"Ate Che?!" Napatalon ako dahil sa isang boses

Jekjek was standing at the front door. He's wearing a school uniform. Ang tangkad na niya!

"Sino ka?" Panti-trip ko. 

"Weh, grabe mang-asar, akala mo naman chicks siya," sabi niya kaya hinabol ko siya at hinampas sa braso. 

Agad siyang tumakbo papunta sa kusina habang sumisigaw. "Pa! Pa! Pa! May nag-wawalang customer!" 

"Jek...pwede ba? Alas nwebe ka na nga umuwi, wala pang tigil ang bibig mo," I frozed when I heard a familiar voice. 

Lumitaw sa labas ng kitchen si Tito Dings, he didn't age that much. Namuti lang ng kaonti ang buhok pero hindi nag-iba ng sobra ang itsura niya. 

"Good evening po," bati ni Bads. 

"Oh, magandang gabi... Lynette, may customer," sabi ni Tito bago bumalik sa kusina. 

Jekjek laughed so hard when he saw my disappointed face. Tumawa siya ng malakas bago pumasok sa kusina. "Pa! Si Ate Che 'yon! Labasin mo dito nagtatampo na!" sigaw niya. 

"Ano?!" Agad na lumabas si Tito. "Hala! Hindi kita namukhaan! Pagod kasi ako! Upo ka! Dito..." 

I smiled. Inaya ko si Bads na umupo. 

"Sino 'yang kasama mo? Boyfriend mo ba?" Tinignan niya si Bads. "Oh... Si ano 'to, ah?" He snapped his fingers. "Bads! Ikaw 'yon, 'di ba?!" 

"Yes po..." sagot ni Bads. 

"Aba?! Kayo pa rin?" Ngumiti siya ng malapad. "Tignan mo nga naman... Wala nang ibang bumalik sa batch niyo dito kundi kayo! Kamusta na? Tapos na ba kasal?" 

Napanganga si Bads. Pati ako hindi alam ang sasabihin. He assumes na kami pa rin ni Bads...

"Hindi ako makapaniwala, teka lang! Ang saya ko mga anak... Isang tingin ko pa lang sa inyo noon alam ko talagang mahal na mahal niyo ang isa't isa!" Tinapik niya ang balikat ni Bads. "Alam ko rin noon na baliw na baliw ka rito kay Che... Bulag na lang ang hindi makakita!" 

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon