Chapter Eleven

742 18 9
                                    

.-../ ..-/ -.-./ -.-./ ..../ ./ .../ ..

"Highschool, pila na!" sigaw naming mga officers nang matapos ang recess.

Sa canteen ako nag-recess. Ayaw kong makita si Bads, bahala siya sa buhay niya at enjoyin niya 'yong pinagkakabusyhan niya ngayon. 

Sa hagdan naman ako naka-assign this week kaya umakyat na ako. Nakasimangot ako at walang gana habang nag-lalakad.

"Che! Doon tayo sa baba tara," salubong sa 'kin ni Cyrus. Nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng hagdan na akala mo may hinihintay.

"Ano?! Teka magbabantay ako sa hagdan!" giit ko pero hinila niya na ako. Taga section one si Cyrus, tropa rin ni Bads pero nagkakilala lang kami sa training sa C.A.T.

"Bilis na, tara! Para sumaya ka naman ng kaonti!" sabi niya habang hatak hatak pa rin ako. Dinala niya ako sa gitna ng grounds kung saan nakapila ang mga highschool. Para akong tanga na nakatayo sa gitna.

"Sige, Che, diyan ka lang muna, ah?" sabi niya at aligaga na tumakbo.

"Ano ba, hoy!" tawag ko pero sumigaw uli siya na 'wag akong gagalaw.

Seryosong nagmumukha akong tanga rito! Sa gitnang gitna niya pa naman ako pinwesto. Inikot ko ang paningin ko at naghintay pa ng ilang sandali pero mukhang pinagtripan nga lang ako ng kupal.

Napailing ako at nagpasiya nang umakyat para magbantay ng hagdan pero natigilan ako at napatalon nang bahagya nang marinig ang mic na parang binuksan. Naglikha 'yon ng tunog na medyo nakakabingi kaya natahimik rin ang mga estudyante.

Akala ko mag-aannounce ang mga teacher dahil wala namang may hawak ng mic sa stage kaya panigurado na nasa 'broadcasting room' ang magsasalita. Pero laking gulat ng lahat dahil gitara at drums ang lumabas sa mga speaker na rinig sa buong school.

"Adik sa'yo..." 

Napakunot noo ako at natulala. Hanggang sa dahan-dahang napangiti at napakagat sa sariling labi nang marinig kung sino ang kumakanta. 

"Awit sa akin... Nilang sawa na sa 'king mga kwentong marathon..." tinignan ko ang isa sa napakaraming speaker kung saan lumalabas ang boses ni Bads.

Nahagip ng mata ko si Cyrus at nag 'thumbs up' lang siya sa 'kin habang malaki ang ngiti. 

Nagsimulang mag-ingay ang mga highschool. Napatango-tango na rin ako at sinabayan ang kanta.

"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas... Hinahanap-hanap kita... Hinahanap-hanap kita..."

"Sino 'yon?!" napalingon ako nang sumigaw si Bea.

May iilang teacher na ring lumabas sa faculty. Nakita ko pa na kausap nila ang isang C.A.T at mukhang tinatanong kung anong nangyayari.

"Vasquez! Reyes! Resalondo! Kahit sino na sainyo, puntahan niyo 'yon!" Nanggagalaiti na si Bea. "Nasaan ba si corps?! Kanina pa siya nawawala!"

Nakita kong may dalawang C.A.T na tumakbo paakyat sa broadcasting kaya sumunod ako. Kailangan ko pang isisik ang sarili ko sa mga pila dahil nagkakatuwaan ang mga highschool.

"Sabik sa'yo... Kahit maghapon..." sabay-sabay na pagkanta ng buong highschool, sinasabayan si Bads.

Tumakbo na ako nang mabilis. Para kung sakaling mapatigil sila Bads ay makita ko manlang siya roon.

"Bawal, wala... Bawal kayo dito!" sabi ng dalawang lalaki na nasa harap ng pinto ng broadcasting room.

"Anong bawal? C.A.T kami, inutusan kami na patigilin 'yong nasa loob."

"Bawal nga, e... Sabi sa amin sapakin daw namin 'yong papasok," nakita ko na sila Jericho at Ken ang nasa pinto.

"Ano ba?! Tumabi kayo!" sigaw ni Reyes at sinubukang pumasok.

Pagsamo (C.A.T Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon